Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Pakamamahalin Din Kita, Oh Dios”, huling grand final entry ng ASOP Year 4

$
0
0

Ang intepreter at composer ng “Pakamamahalin Din Kita, Oh Dios” na sina Nino Alejandro at Dennis Avenido na kakatawan para sa buwan ng Agosto sa ASOP Year 4 Grand Finals. (Madz Milana / Photoville International)

QUEZON, Philippines — Malaking factor sa pagkapanalo ng baguhang kompositor na si Dennis Avenido ang naging team work nila ng kanyang interpreter na si Nino Alejandro sa A Song of Praise o ASOP Music Festival August Monthly Finals.

Ang naturang team work ay nakita ng mga huradong sina singer-actress Tina Paner, singer-actor Monching Gutierrez at Doktor Musiko Mon del Rosario sa awit nila na “Pakamamahalin Din Kita, Oh Dios” upang tanghaling itong huling monthly winner ng programal.

Pahayad ni Dennis,“Hindi naman po ako alone magtrabaho. First, syempre si God. Second, ‘yung interpreter. A team…‘yung kanta kasi feeling ko sa’kin hindi naman pero sabi ko nga do’n sa ano hindi naman ako ang gumawa… hindi ko kine-credit. It’s a God’s… creation.”

Bulalas naman ni Nino Alejandro, “Honestly, itong song na ‘to destiny talaga na mapunta itong song sa akin para i-interpret galing kay dennis. Kasi nung first time ko siyang narinig… nag-request ako kung pwede kong makausap ‘yung composer dahil gusto ko talaga… na pareho kami ng iniisip.”

Ayon sa mga hurado, nagmistulang grand finals ang naturang episode dahil sa ganda rin ng dalawa pang awitin na kasali, ang “Kalinga” ni Jade Dela Cruz na ininterpret ni The Voice Season 1 contender Penelope Matanguihan at ang “Sa’Yo Lang Natagpuan” ni James Vincent Dizon na ininterpret naman ng magaling na musikong si Maki Ricafort.

Samantala, katulad ng mga nakaraang monthly finals, nagpaunlak ng maiksing awit ang mga huradong sina Tina Paner at Monching Gutierrez.

Sa mga susunod na linggo ng ASOP bago ang Grand Finals nito sa Oktubre ay mapapanood ang special episodes ng programa kung saan muling sasariwain ni ASOP by Request Video Jock RJ Jimenez ang apat na taong pagsasahimpapawid nito. (ADJES CARREON / UNTV News)

The post Awiting “Pakamamahalin Din Kita, Oh Dios”, huling grand final entry ng ASOP Year 4 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481