MANILA, Philippines — “I will have to decide by September because you had to file already on October. All of the discussions right now are centered upon a candidacy for higher office in the Senate, bale wala pa ngang desisyon pero ganito ang aming usapan.”
Ito ang kasagutan ni Senador Bongbong Marcos sa tanong kung tatakbo bilang presidente o bise presidente sa halalan sa susunod na taon.
Dagdag pa anak ng dating Presidenteng Marcos, “Kung hindi ka pa naka-pagdecide by September, maiiwanan ka kasi yung mga iba gagawin na nila yung kanila kung hindi ka pa nakasama doon sa kanilang line up by the end of September hindi ka na makakasama, nahuli ka na.”
Sa Setyembre din magpapasya ang Nacionalista Party sa eendorso nitong mga kandidato.
Sa ngayon tanging sina Senator Marcos, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano pa lamang sa hanay ng NP ang naghahayag ng interes na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 national elections.
Sa kasalukuyan ay patuloy rin ang komunikasyon ng NP sa bawat partido ukol sa mga posibilidad na mangyaring tambalan.
Samantala, itinanggi ni Marcos na nagkaroon sila ng personal na meeting ni Vice President Jejomar Binay ukol sa 2016 elections.
Sinabi ng senador na kumplikado ang tambalang Binay at Marcos sa 2016 lalo na at dalawang kasamahan nya sa NP ay nagsusulong ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng kurapsyon sa pamilya Binay.
“Kung nandyan si Senador Trillanes at saka si Senator Cayetano na iniimbestigahan nila na pinupursige nila yung imbestigasyon nila kay Vice Binay eh siguro magkakaroon ng difficulties there. These are the things that we have to iron out,” pahabol pa ni Sen. Bongbong.
Natanong rin ang panganay na anak ng Senador kung nabanggit na ba sa kanya ukol sa kandidatura ng kanyang ama sa 2016, sagot nito.
“Most probably he won’t be running for re-electionist anymore and would be seeking of post for higher office, whether it be for vice president or president, I don’t know. Tinatanong ko rin sya, hindi nya sinasabi sa akin kaya hindi ko talaga alam,” pahayag ng anak ng senador.
Guest of honor si Senador Bongbong Marcos sa opening ceremonies nitong umaga ng Huwebes sa aviation tourism week ng cultural presentations ng Philippine State College of Aeronautics o PHILSCA. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)
The post Plano ni Sen. Bongbong Marcos sa 2016 elections, ihahayag sa susunod na buwan appeared first on UNTV News.