Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Uber at Grab Car, pinahintulutan nang magsakay ng pasahero sa airport

$
0
0

Uber / Grab Car app screenshots

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Manila International Airport Authority na hindi nila dini-discriminate ang mga transport network company (TNC) gaya ng Uber at Grab Car.

Sa katunayan, pinapayagan na ang mga TNC na mag-operate sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa pamunuan ng MIAA, kailangan lamang kumuha ng approval at accreditation sa kanila upang maging legal ang pagpasok at pagsasakay ng mga pasahero sa mga paliparan.

Kabilang sa mga dokumento na kailangang ipasa sa MIAA ng mga operator ay ang mga sumusunod: letter of intent para sa airport accreditation na naka-addressed sa general manager, certificate at official receipt of registration ng sasakyan, sertipikasyon mula sa Department of Tourism, accreditation list of vehicles mula sa DOT, desisyon ng prangkisa mula sa LTFRB, DTI business registration, mayor’s permit at ilang dokumento mula sa BIR.

Ang mga operator ay kinakailangan ring mag sumite ng endorsement letter mula sa TNC na nagpapatunay na accredited sila ng kumpanya at nais nilang mag-extend ng operasyon sa airport.

Nagtakda rin ng accreditation rate ang MIAA na katulad sa mga accredited na mga hotel back-up vehicles.

Para sa mga sedan, kailangan magbayad ng P2,500 per annum, habang sa mga mas malalaking sasakyan gaya ng van at mini coaster ay P3,000 ang bayad.

Mayroon ring additional P500 kada taon kung mahigit sa isang terminal magpapa-accredit, samantalang P224 naman ang bayad sa sticker sa bawat terminal per year.

Bibigyan rin ng sticker ang mga accredited na sasakyan na nakasaad kung saang terminal sila pwedeng pumik-up ng pasahero.

Aminado ang MIAA na bagama’t nagtakda ito ng mga requirement, hindi nila kayang tukuyin kung ang isang sasakyan ay Uber o Grab.

“Those are certain shortcomings talaga na that we have to consider. But if TNC and TNC providers will be faithful to the policies implemented by LTFRB particularly by putting a magnetic markings on their vehicles then that would be good for us,” pahayag ni MIAA Spokesperson Dave de Castro.

Subalit ang ilang Uber at Grab operator, umaangal sa dami ng hinihinging requirements.

Ani Napoleon Motilla, “Ako, personally, hindi na siguro ko mag-provide ng ganun, para namang kasi yung hiningi sa amin ni LTFRB hindi pa sapat para payagan kami mag pick up dun.”

Nagbabala naman ang MIAA sa mga hindi accredited na TNC na maaaring ma-black list sa airport kapag nahuling nagsasakay ng pasahero sa airport.

Ang mga app-based transport services ay isang makabagong paraan ng transportasyon na tinatangkilik ngayon ng nakararaming tao, subalit kung nais ng mga ito na makapag-operate ng legal sa bansa ay kailangan nilang sumunod sa mga alituntunin na ipinapatupad ng mga concerned agencies. (MON JOCSON / UNTV News)

The post Uber at Grab Car, pinahintulutan nang magsakay ng pasahero sa airport appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481