PASIG CITY, Philippines — Nangunguna na ngayon sa team standings ng first elimination round ng UNTV Cup Season 4 ang Season 2 champion na AFP Cavaliers.
Tinalo ng Cavaliers ang MMDA Black Wolves sa kanilang pagsasagupa noong Huwebes sa Ynares Sports Arena sa score na 83 – 66.
Sinikap ng Black Wolves na talunin ang season 2 champion matapos ang impresibong panalo kontra sa seasons 1 & 2 champion Judiciary Magis sa opening game noong August 24.
Ngunit napaghandaan ng Cavaliers ang atake ng Black Wolves sa pangunguna ng beteranong si Boyet Bautista na may 15 points at 6 rebounds.
Dahil dito nakuha ng AFP ang solong liderato na may dalawang panalo at wala pang talo.
Nalaglag naman ang Black Wolves na may tig-isang win-loss record.
Sa Game 2, nai-tala naman ng DOJ Justice Boosters ang kanilang unang panalo ngayong season ng tiklupin ang Senate Defenders, 78-74.
Sinamantala ng Boosters ang pagkakataong makalamang sa Defenders nang ma-injured ang power forward nitong Marlon Legaspi sa crucial stretch ng laban.
Kumamada ng 21 points at 6 rebounds si Ian Garrido samantalang may double-double figure naman na 13 points at 13 rebounds si Jorel Cañizares upang pangunahan ang boosters laban sa Defenders.
Sa kabila ng injury, nakapagtala pa rin 21 points at 8 rebounds si Marlon Legaspi at nag-ambag naman ng 18 points at 7 rebounds si Kenneth Duremdes.
Dahil dito umangat ang rankings ng DOJ, 1 panalo at 1 talo.
At sa game 3, nabigo naman ang season 3 runner up Malacañan Patriots sa kanilang unang game nang tambakan ng 11 points ng GSIS Furies, 70-59.
Naging susi ang magandang team work ng gsis upang dominahin ang lahat ng quarters sa laban nito sa star-studded Malacañang Patriots.
Hindi na pinaporma pa ng Furies ang Patriots mula sa umpisa ng laban hangang sa tumunog ang buzzer sa pangunguna ni Rene Boy Banzali na may 20 points, 9 rebounds, 3 assist at 3 steals kaya sya itinanghal na Best Player of the Game. (BERNARD DADIS / UNTV News)
The post Solong liderato sa eliminations ng UNTV Cup Season 4 hawak ng AFP Cavaliers appeared first on UNTV News.