Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang: Legal proceedings vs Reyes brothers, dapat ipagpatuloy kahit wala si Sec. De Lima

$
0
0
Ang pagdakip ng PNP-CIDG sa magkapatid na Reyes sa NAIA nitong umaga ng Biyernes, Setyembre 25, 2015 matapos maideport mula sa Thailand. (UNTV News)

Ang pagdakip ng PNP-CIDG sa magkapatid na Reyes sa NAIA nitong umaga ng Biyernes, Setyembre 25, 2015 matapos maideport mula sa Thailand. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na dapat pa ring ituloy ang legal proceedings laban kina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes kahit na wala si Justice Secretary Leila de Lima.

Sangkot ang magkapatid na Reyes sa kasong pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Gerry Ortega.

Inaresto ng PNP-CIDG ang dalawa sa NAIA nitong Biyernes nang umaga, matapos na mai-deport mula Thailand.

Kahapon, Huwebes, nang nagpaalam na si De Lima sa Department of Justice matapos ang limang taong paninilbihan sa kagawaran.

Isa si De Lima sa mga inaasahang tatakbo bilang Senador sa ilalim ng Liberal Party sa darating na halalan. (UNTV News)

The post Malacañang: Legal proceedings vs Reyes brothers, dapat ipagpatuloy kahit wala si Sec. De Lima appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481