MANILA, Philippines — Tatanggapin at hindi pipigilan ng Commission on Elections ang sinumang interesadong maghain ng certificate of candidacy sa araw ng filing ng COC.
Ayon sa Comelec, sa kalagayan sa ngayon ni Senator Grace Poe, kahit maglabas ng hindi paborableng desisyon ang Senate Electoral Tribunal sa kaniyang kaso, tatanggapin pa rin ng COMELEC ang ipa-file nitong COC para sa 2016 elections.
Paliwanag ng komisyon, pagkatapos ng filing ng COC, sasalain ng poll body ang listahan kung sinu-sino ang karapat dapat na kumandidato.
Ani COMELEC Chairman Andres Bautista, “What’s provided for is that the COMELEC on its own or moto propio or upon a case being filed can act upon issues regarding qualifications as well as the absence of non-disqualifications.”
“Wala namang balakid para kay Senator Poe sa aking palagay para mag-file ng certificate of candidacy for a higher position.”
Maglalabas din ng guidelines ang COMELEC kaugnay sa kung sino ang ituturing na mga nuisance candidates na magpa-file ng certificates of candidacy.
Dagdapag pa ni Chairman, “I already asked one of our lawyers to do research, to look at jurisprudence to see what would classify or qualify one to be a nuisance candidate at suppose to a viable candidate. One of the requirement is that the ability to mount a national campaign.”
Sa October 12 t0 16 ang filing ng Certificates of Candidacy.
Sa loob ng panahong ito suspendido naman ang pagpaparehistro at pagpapavalidate ng biometrics.
Para sa mga tatakbong presidente, bise presidente at senador, ang filing ng COC ay sa ground floor ng Palacio del Gobernador habang ang submission naman ng mga nominee ng party-list groups ay sa 3rd floor ng gusali.
Mula alas-8 ng umaga hanggang 5 ng hapon ang filing ngunit ang mga nasa loob ng Comelec office ng alas-singko ay tatanggapin pa rin ng poll body.
Maglalabas din ng guidelines ang Comelec sa susunod na linggo para sa filing ng COC upang maging organisado at hindi magulo ang proseso.
Kabilang sa plano ng Comelec ang limitahan ang bilang ng mga maaring isama ng isang kandidato sa loob ng gusali at ang paglalagay ng LED screen sa labas ng Palacio del Gobernador upang mapanood ng mga suporter ng kandidato ang aktwal na paghahain nito ng COC.
Pahayag ni COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, “We have space limitations also… Hindi kailangan makapasok lahat. Ang importante lang talaga dito kung tutuusin yung kandidato na magfa-file ng kaniyang certificate of candidacy. After that possible yung abugado niya siguro ang then siyempre family.”
Samantala, kaugnay sa kasong isinampa ni Rizalito David laban kay Senator Grace Poe sa Comelec, sinabi ng law department sa en banc na wala nang hurisdiksyon ang poll body sa kaso ni Poe kundi ang Senate Electoral Tribunal dahil naiproklama na ang senadora.
Pag-aaralan naman ng en banc ang rekomendasyon ng COMELEC Law Department.
Pahabol pa ni Chairman Bautista, “Ang inano lang ng law department is yung jurisdiction kasi nga dahil na proclaim na siya. Yung ang problema at ang ayaw mangyari niyan is two government bodies are assuming jurisdiction.” (VICTOR COSARE / UNTV News)
The post COMELEC, hindi hahadlangan ang sinumang magpa-file ng certificate of candidacy; ngunit guidelines kontra nuisance candidate, pagtitibayin appeared first on UNTV News.