MANILA, Philippines — Nanindigan si Valenzuela 2nd District Representative Magtanggol Gunigundo na dapat alisin na sa pagiging district collector ng Bureau of Customs ang ilang retiradong heneral dahil sa kakulangan ng sapat na kakayahan.
Matatandang sa isang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso naungkat na mababa ang revenue collection ng mga ito sa mahigit isa at kalahating taong panunungkulan kung ikukumpara sa kanilang mga pinalitan sa pwesto.
Ayon kay Gunigundo, sapat na ang naibigay na panahon sa kanila kaya kailangang kumilos na ang Department of Finance hinggil dito.
Aniya walang sapat na kakayahang ang naturang mga opisyal pagdating sa pamamahala sa BOC.
Ayon naman kay Customs Commissioner Alberto Lina, bagama’t inabutan na lamang niya ang naturang mga opisyal pag-upo niya sa pwesto, pinag-aaralan na nila ang isyu. (UNTV News)
The post Pagtanggal sa mga retiradong heneral sa Bureau of Customs, iginiit ng isang mambabatas appeared first on UNTV News.