Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

10 kalsada sa Nueva Ecija, hindi madaanan

$
0
0
Mga miyembro ng 7th Infantry Division ng AFP sa paghahanda sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng paglikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Lando.

Mga miyembro ng 7th Infantry Division ng AFP sa paghahanda sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng paglikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Lando.

NUEVA ECIJA, Philippines — Sampung kalsada naman sa lalawigan ng Nueva Ecija ang hindi madaanan dahil sa mataas na tubig baha sanhi ng malalakas na pag-ulan na dala ni Bagyong Lando.

Kabilang na dito ang:

– San Leonardo Road
– Jaen Road
– San Isidro Road
– Pantabangan Provincial Road
– Gabaldon-Brgy. Calabasa Hi-way
– Bongabon-Brgy. Labi Brigde
– Rizal Provincial Road
– Gen. Natividad-Bravo-Palayan Bridge
– Rizal to San Jose Road
– Palayan-Sapang Buho-Bongabon Bridge

Wala na ring kuryente sa buong lalawigan.

Samantala, mahigit isang daan residente naman sa Brgy. Aduas Sur na naapektuhan ng bagyo ang humìhingi ng tulong sa lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay on-going pa rin ang isinasagawang rescue at relief operation ng pamahalaang panlalawigan sa mga naapektuhan ng bagyong lando. (UNTV News)

The post 10 kalsada sa Nueva Ecija, hindi madaanan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481