Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

A Song of Praise Music Festival, malaki ang nai-ambag upang makilala sa mainstream ang mga awiting papuri sa Dios

$
0
0
(LEFT-RIGHT) Ang mga naging hurado sa ASOP Grand Finals Year 4 ay sina OPM Rock icon, The Dawn frontman Jet Pangan; Lachmi Baviera ng Warner Music Philippines; award-winning composers and hitmakers na sina Mon del Rosario, Ryan Cayabyab, ang Head ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mangaawit na dati ring sikat na mang-aawit na si Celeste Legaspi at isa pang veteran hitmaker-composer na si Jungee Marcelo. (PHOTOVILLE International)

(LEFT-RIGHT) Ang mga naging hurado sa ASOP Grand Finals Year 4 ay sina OPM Rock icon, The Dawn frontman Jet Pangan; Lachmi Baviera ng Warner Music Philippines; award-winning composers and hitmakers na sina Mon del Rosario, Ryan Cayabyab, ang Head ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mangaawit na dati ring sikat na mang-aawit na si Celeste Legaspi at isa pang veteran hitmaker-composer na si Jungee Marcelo. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Humanga ang mga kilalang personalidad sa larangan ng musika sa nagging konspeto ng A Song of Praise Music Festival.

Hindi makapaniwala ang mga ito sa ganda ng mga awiting narinig sa finals night ng ASOP sa Smart-Araneta.

Anila, maraming magagandang kantang na-compose at narinig subalit angat na angat ang mga awiting narinig nila sa finals night ng ASOP.

Umpisa na anila ito ng pagsikat ng mga awiting papuri sa Dios upang makilala sa mainstream.

Pahayag ni Mr. Ryan Cayabyab, “Ngayon pa lamang parang isang maliit na army na siya. Kapag nakatawid siya sa mainstream alam ko na papunta na doon, malaki na yung army ng manunulat.”

Para naman kay Mr. Jungee Marcelo, “I can imagine this going mainstream as in lahat ng radio station eventually playing inspirational song, songs that will give glory to our great God… sobrang impress pala ako sa production sa orchestration the musical arrangement everything about this is very much done professionally.”

Ayon naman kay Ms. Celeste Legaspi, “The quality of the singing, ang mga lyrics, ang mga words, and the music napakaganda.”

Sabi naman ni Ms. Lachmi Baviera, “Malapit na, magkakaroon ng exposure talaga lahat, digital world na ngayon, Everything is accessible. I think itong music dito, lalabas yan. I’m just so happy na mayroong ganito mayroong ASOP, I’m really a fan now.”

Pinayuhan naman ni Maestro Ryan Cayabyab ang mga composer sa ASOP na huwag huminto sa paglikha ng mga awit.

Ani Cayabyab, kailangang magsaliksik at mag ekperimento upang makalikha ng magagandang awitin.

Binigyang pansin ni Cayabyab ang paglikha ng praise song, aniya mayroong technique upang makalikha ng magandang praise song, “May mga certain styles o may certain technique para talagang umangat ang kanta… kasi mayrong kanta na parang ganun lang if it’s a song of praise dapat laging umaangat kasi kailangang lumipad patungo sa kanya.”

Samantala, mapapakinggan na sa alas-singko hanggang alas sais ng umaga ng Linggo sa WISH FM 1075 ang lahat ng mga awitin sa A Song of Praise Music Festival.

Ito ay upang magkaroon ng lugar sa music industry ang mga awiting papuri sa Dios. (MON JOCSON / UNTV News)

The post A Song of Praise Music Festival, malaki ang nai-ambag upang makilala sa mainstream ang mga awiting papuri sa Dios appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Two timer Sad tagalog Love quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.