BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente kaninang ala-sais ng umaga nitong Miyerkules matapos makatanggap ng tawag mula sa PNP-Balagtas.
Ang biktimang si Henry Tala, 39-anyos, ay iniinda ang tinamong mga gasgas sa kanang braso, sugat sa tuhod at posibleng bali sa binti.
Sa nakalap na impormasyon, minamaneho ni tala ang kanyang motorsiklo nang mabangga ito ng kasalubong na traysikel sa kahabaan ng McArthur Highway.
Pahayag ng biktima, “Buti naka-helmet ako, pumaling din yung ulo ko. Tapos yun tumama sa gutter.”
Nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang mga sugat ni Tala saka siya inihatid sa Balagtas Doctors Hospital para sa mas masusi pang eksaminasyon.
Tiniyak naman ng driver ng traysikel na sasagutin niya ang danyos sa motorsiklo pati na ang gastusin sa ospital ng biktima. (UNTV News)
The post Lalaking nabangga ng traysikel sa Balagtas, Bulacan tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.