Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ex-INC Minister Isaias Samson Jr., maghahain ng mosyon sa DOJ upang maitakda na ang pagdinig sa kaso vs Iglesia ni Cristo

$
0
0
Former INC Minister Isaiah Samson Jr. (screenshot from uploaded video)

Former INC Minister Isaiah Samson Jr. (screenshot from uploaded video)

MANILA, Philippines — Agosto pa nagsampa ng reklamo laban sa mga lider ng Iglesia Ni Cristo ang dating ministro na si Isaias Samson Jr.

Kaugnay ito ng sapilitan umanong pagkulong sa compound ng INC, pananakot at pagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ngunit ayon sa kanyang abogado na si Atty. Trixie Angeles, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kumpleto na ang panel ng mga prosecutor na hahawak sa preliminary investigation sa mga reklamong illegal detention, harassment, threats at coercion.

“We made inquiries within a month after we filed and they said, at the time [Sec.] Leila de Lima was still there, and she said ‘I already ordered them to act on it’ because that is the limitation of her supervision over the prosecutor general. So according to the people in the Prosecutor General’s Office is that they are constituting a panel of prosecutors. So I said, “Okay, we will wait.’ The next time we inquired, we were told that not everybody wanted to be in the panel of prosecutors so according to them they are having difficulty,” ani Atty. Angeles.

Kayat posibleng sa linggong ito ay maghahain sila ng mosyon sa DOJ upang maitakda na ang pagdinig sa mga reklamong isinampa sa walong myembro ng sanggunian ng INC.

Pahayag ng abugado ng dating ministrong si Samson, “We will be filing a motion to set for hearing which is our remedy now.”

Batay sa panuntunan ng National Prosecution Service, kailangang maresolba ang mga reklamo sa loob ng syamnapung araw o tatlong buwan.

“If they do not constitute a panel and they do not have reason for it, kumbaga hindi siya reasonable, then everybody that the case pass through will be liable in one form or another, primarily administrative,” dagdag pa ni Angeles.

Gayunman, ayon sa abogado, bibigyan nila ng pagkakataon ang mga piskal na naitalaga dito na gawin ang kanilang trabaho at hindi nila basta hihilingin na mag inhibit ang mga ito. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Ex-INC Minister Isaias Samson Jr., maghahain ng mosyon sa DOJ upang maitakda na ang pagdinig sa kaso vs Iglesia ni Cristo appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481