Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, nanindigang hindi magbibigay ng ransom kapalit ang 3 dayuhan at 1 Pinay na dinukot sa Samal Island

$
0
0
Screenshot mula sa video na kumakalat sa internet na humihingi ng ransom ang mga bandido kapalit sa paglaya ng mga kinidnap nila sa Samal Island noong Septyembre 23. (SITE)

Screenshot mula sa video na kumakalat sa internet na humihingi ng ransom ang mga bandido kapalit sa paglaya ng mga kinidnap nila sa Samal Island noong Septyembre 23. (SITE)

QUEZON CITY, Philippines — Muling nanindigan ang Philippine National Police na hindi ito makikipagnegosasyon sa mga dumukot sa 3 dayuhan at 1 Pinay sa Samal Island.

Kaugnay ito ng video na ipinalabas sa internet na nanghihingi na apat na bilyong piso ng ransom kapalit ng kalayaan ng dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Filipina na dinukot sa isang resort sa Samal Island noong September 23.

Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kailanman ay hindi nagbibigay ng ransom ang gobyerno kapalit ng kalayaan ng mga dinukot ng mga bandido.

“The Philippine National Police adheres to the principle of ‘No Ransom’ policy based on government’s policy.”

Sinabi pa ni Mayor na ginagawa ng PNP at AFP ang lahat upang matukoy ang kinaroroonan ng apat na bihag at mailigtas ang mga ito.

“[We assure] the public the continuing operations natin to ensure the safety, that is the primodial concern of the Philippine National police and the Armed Forces of the Philippines.”

Bini-verify na ng PNP-Anti-Cyber Crime Group ang authenticity ng bagong labas na video ng mga dinukot. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post PNP, nanindigang hindi magbibigay ng ransom kapalit ang 3 dayuhan at 1 Pinay na dinukot sa Samal Island appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481