Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Presensiya ng Jemaah Islamiah sa Maguindanao, patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad

$
0
0
Ang ginanap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) na ginanap sa  Provincial satellite capitol, Buluan, Maguindanao, 28 Agusto 2013. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

Ang ginanap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) na ginanap sa Provincial satellite capitol, Buluan, Maguindanao nitong Miyerkules,  28 Agosto 2013. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Patuloy pa ring bineberipika ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na may presensiya ng ilang miyembro ng Jemaah Islamiah (JI) sa lalawigan ng Maguindanao.

Partikular na tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang munisipalidad ng Parang sa Maguindanao kung saan may mga lumabas na ulat na magkakasama ngayon ang ilang miyembro ng JI at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nasa likod umano ng mga pambobomba sa ilang munisipalidad sa lalawigan.

Sa isinagawang Peace and Order Council Meeting kahapon sa Buluan, Maguindanao, iniulat ng Philippine Army at PNP ang mga naganap na krimen at kaguluhan simula ng mabuo ang BIFF.

Kasabay nito ay nanawagan din si Major Gen. Romeo Gapuz sa mga alkalde na magkaroon ng malinaw na paninindigan sa tuwing may nagaganap na pambobomba o kaguluhan sa kanilang lugar.

Panahon na aniyang linawin ng mga opisyal kung panig ba ang mga ito sa pamahalaan o sa BIFF na nagtatago rin sa kanilang mga lugar.

Samantala, sinang-ayunan ni PPOC Chairman at Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang naturang panawagan at sinabing naniniwala ito na kilala din ng mga lokal na opisyal ang mga taong nasa likod ng mga kaguluhan sa probinsiya.

Dagdag pa nito, kung mapatutunayang may presensiya nga ng Jemaah Islamiah sa isang lugar ay nais nitong atasan ang militar na agarang lusubin ang pinagtataguan ng mga ito.

Ngunit kinakailangan pa rin aniyang magkaroon ng koordinasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang militar upang hindi magkaroon ng kalituhan sa pag-atake. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481