MANILA, Philippines — Humingi ng karagdagang labinlimang araw na palugit ang NBI upang tapusin ang imbestigasyon sa Tanim Bala scam sa NAIA.
Ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Under Secretary Emanuel Caparas, makatwiran naman ang dahilan ng NBI tungkol sa hinihiling na extension kaya’t pinagbigyan ito ni Justice Sec. Benjamin Caguioa.
Noong Miyerkules sana nakatakdang magsumite ng kanilang report at rekomendasyon ang NBI special team tungkol sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Ayon kay USec. Caparas, pipilitin ng NBI na matapos at maisapubliko nang mas maaga ang resulta ng imbestigasyon sa Tanim Bala scam. (UNTV News)
The post NBI special team humingi ng dagdag na palugit upang tapusin ang imbestigasyon sa Tanim Bala scam appeared first on UNTV News.