Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Duterte, maaring mag-substitute kay Diño bilang presidential candidate ng PDP-Laban — ex-COMELEC chairman

$
0
0
FILE PHOTO: Davao City Mayor Rodrigo Duterte (UNTV News)

FILE PHOTO: Davao City Mayor Rodrigo Duterte (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naniniwala si dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na kahit may nakitang depekto sa kaniyang Certificate of Candidacy, kikilalanin pa rin ng poll body ang isinumiteng kandidato sa pagka-pangulo ng PNP-Laban si Martin Diño.

Ngayong nag-withdraw ng kandidatura si Diño ayon kay Brillantes hindi na rin siya maaring ideklarang nuisance candidate.

Ayon kay Brillantes, sa pag-atras ni Diño sa presidential race maari na siyang palitan ng partido.

“The prerogative to substitute belongs to the party not to the withdrawing candidate and not to the substituting candidate,” ani Brillantes.

Para sa dating poll chief, wala nang isyu kung ilalagay ng PDP-Laban bilang substitute candidate si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Aniya ang kailangan lang gawin sa ngayon ni Duterte ay i-withdraw ang kaniyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Davao at magsumite ng COC sa pagka-pangulo.

“You cannot be a candidate for 2 positions simultaneously. Duterte has to file his COC before December 10,” pahabol pa ni former COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (VICTOR COSARE / UNTV News)

The post Duterte, maaring mag-substitute kay Diño bilang presidential candidate ng PDP-Laban — ex-COMELEC chairman appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481