Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating mayor ng Pasay City, sinentensyahan ng pagkakakulong ng Sandiganbayan

$
0
0
FILE PHOTO: Sandiganbayan Centennial Building (UNTV News)

FILE PHOTO: Sandiganbayan Centennial Building (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Sinentensyahan ng anim hanggang sampung taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan ang dating Mayor ng Pasay City na si Wenceslao Trinidad at dating City Councilor Jose Antonio Roxas at dalawa pang kapwa akusado.

Hinatulan ng 1st Division ng Anti-Graft Court na guilty beyond reasonable doubt ang dalawa dahil sa paglabag sa Section 3E ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 237 ng Revised Penal Code.

Ayon sa korte, malakas ang ebidensyang iprisinita ng prosekusyon na nakipagsabwatan ang mga akusado sa ilang pridbadong indibidwal at kinatawan ng isang non-government organization upang paboran sa bidding ang kumpanyang Izumo Contractors Incorporated para sa pagpapatayo ng Pasay City Mall at public market noong 2004.

Nagkakahalaga ang kontrata ng mahigit sa P489 million.

Samantala, kasamang nasentensiyahan nina Trinidad at Roxas ang dalawa pa nilang kasamahan na kinilalang sina Joselito Manabat at Elexander Ramos na hindi pa nadadakip ng mga awtoridad. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Dating mayor ng Pasay City, sinentensyahan ng pagkakakulong ng Sandiganbayan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481