QUEZON CITY, Philippines — Ayon kay Col. Restituto Padilla Jr., ang grupong nasa likod ng pagpapakalat ng video na ito na nagpapahayag ng pagsuporta sa ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ay ang Ansar Al-Khilafah Philippines o AKP na pinamumunuan ng isang Muhammad Jaafar Maguid alyas “Tokboy”.
“This group recently posted videos of themselves on the internet expressing their support to extremist groups which was seen as their attempt to gain attention,” ani Col. Padilla.
Huwebes ng umaga, walong hinihinalang miyembro ng AKP ang napatay sa isang enkwentro ng mga tropa ng militar sa ilalim ng joint task force central of Western Mindanao Command.
Sa kasalukuyan, bineperipika pa ng AFP ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
“The identities of those killed in the encounter as of this time are still being verified, although earlier reports indicated that four may have been identified, we have not received those reports yet,” dagdag pa ni Padilla.
Kasama sa mga na-recover sa encounter site ang iba’t ibang high-powered firearms, mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices, radyo, mga dokumentong may kinalaman sa intelligence, at ilang watawat ng ISIS.
Bagaman, ipinamamarali ng grupo na may ugnayan ito sa ISIS at iba pang extremist groups, ayon sa AFP, walang indikasyon na makakapagpatunay nito.
“Ganun din po itong grupong ito, maaring nagpapanggap sila na kasapi ng grupong ito pero wala po tayong nakikitang basehan, malamang naghahanap lang po at naghahangad sila ng atensyon.”
Dagdag pa ni Col. Padilla, ang gawain ng grupong ito ay manakot ng pangbobomba at mangikil.
Ang AKP ay breakaway group ng Bangsamaro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Samantala, inamin ng AFP na may balitang nakarating sa kanila tungkol umano sa tatlong banyagang terorista na nakapasok sa Mindanao subalit wala namang basehan ang ulat nito. (ROSALIE COZ / UNTV News)
The post Identity ng 8 napatay na terorista at kriminal sa Sultan Kudarat, inaalam pa ng AFP appeared first on UNTV News.