Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

‘No Bio, No Boto’ policy ng COMELEC, pansamantalang pinigil ng Korte Suprema

$
0
0
Pansamantalang pinatitigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng "No Bio, No Boto" policy ng COMELEC.

Pansamantalang pinatitigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng “No Bio, No Boto” policy ng COMELEC.

MANILA, Philippines — Pansamantalang pinipigil ng Supreme Court ang implementasyon ng “No Bio, No Boto” policy ng COMELEC.

Isang TRO o temporary restraining order ang inilabas ng Korte Suprema at pinagbabawalan ang COMELEC na i-deactivate o alisin sa kanilang listahan ang mga rehistradong botante na walang biometrics.

Pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, “The court resolve to take the following actions on the petition for certiorari and prohibition challenging COMELEC Resolution Nos. 9721, 9863 and 1003 and RA 10367 (An Act Providing for Mandatory Biometrics Voter Registration): — issue a temporary restraining order effective immediately and continuing until further orders from the court directing the respondent COMELEC to desist from deactivating registered voters without biometric information.”

Ikinatuwa naman ng Kabataan Partylist ang inilabas na TRO ng Korte Suprema na isa umanong relief para sa mahigit 3 milyong botante na nanganganib na mawalan ng karapatan bumoto sa darating na halalan.

Gayunman, mananatili umano silang nakabantay hanggang sa tuluyang ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang nasabing polisiya.

Samantala, pinasasagot din ng Korte ang COMELEC at ang opisina ng solicitor general sa inihaing petisyon ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kabataan Partylist.

Hinihiling sa naturang petisyon na ideklarang labag sa konstitusyon ang nasabing polisiya at ipatigil ang implementasyon ng Republi Act 10367 o ang Mandatory Biometrics Voter Registration.

Malinaw na ipinagbabawal sa Saligang Batas ang pagtatakda ng substantive requirement bago makaboto ang isang tao gaya ng naabot nitong edukasyon o kaya ay ang pagkakaroon ng mga ari-arian.

Labag din umano sa due process ang “No Bio, No Boto” dahil basta na lamang tinatanggal ng COMELEC sa kanilang listahan ang mga botanteng walang biometrics kahit pa aktibo silang bumuboto sa nakalipas na mga halalan.

Sa datos na inilabas mismo ng COMELEC, mahigit 3 milyong botante pa ang walang biometrics at nanganganib na hindi makaboto sa darating na halalan sa Mayo.

Giit pa ng mga petitioner, may iba namang pamamaraan ang COMELEC upang matiyak ang pagkakakilanlan ng mga botante. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post ‘No Bio, No Boto’ policy ng COMELEC, pansamantalang pinigil ng Korte Suprema appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481