BULACAN, Philippines — Duguan ng madatnan ng UNTV News and Rescue ang tatlong lalaki na naaksidente sa motorsiklo sa McArthur Highway sa Barangay Burol 2nd sa bayan ng Balagtas pasado alas dos ng madaling araw nitong Miyerkules.
Nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga tinamong injury ng mga biktima.
Ang driver ng motor na si Reynante Sarad, 25-anyos ay nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa magkabilang binti.
Ang angkas naman nito na si Jonnel Tabilog, 23-anyos ay duguan ang mukha dahil sa sugat sa ulo, nuo at ibaba ng labi.
Ayon kay Sarad, pauwi na sila galing sa kasiyahan ng mabangga nila ang isang lalaki na biglang tumawid sa kalsada.
“Biglang may tumawid sa kalsada na tumatakbo, hindi ko naman sya sinisisi sa nangyaring yun kasi may tinatakbuhan daw sya, tricycle driver na tinatangka buhay nya, dahil sa pamasaheng P100 sinisingil P200 naunawaan naman namin nauwaan nya rin kami,” salaysay ng driver ng motor.
Kinilala naman ang nabanggang lalaki na si Rodrigo Pante, 28-anyos ng Matungao, Malolos.
Nagtamo naman ito ng posibleng bali sa kaliwang binti at gasgas sa tuhod.
Inihatid ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima sa Bulacan Medical Center matapos mabigyan ng first aid. (NESTOR TORRES / UNTV News)
The post Tatlong sugatan sa motorcycle accident sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.