Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Escudero umaasang papanigan ng Supreme Court si Sen. Poe sakaling hindi paboran ng COMELEC En Banc sa disqualification case nito

$
0
0
FILE PHOTO: Ang paglulunsad ng tambalang POE-CHIZ para sa 2016 election noong Setyembre 17, 2015 sa Club Filipino. (Photoville International)

FILE PHOTO: Ang paglulunsad ng tambalang POE-CHIZ para sa 2016 election noong Setyembre 17, 2015 sa Club Filipino. (Photoville International)

MANILA, Philippines — “We always hope for the best but always expect the worst as well. Yun ang pananaw naming sa second division at sa en banc ng COMELEC,” ani Sen. Chiz Escudero.

Nakahandang tanggapin ng kampo ni Senador Grace Poe ang anumang magiging pasya o desisyon ng Commission on Elections o COMELEC En Banc kaugnay sa disqualification case ng senadora.

Ito ang naging pahayag ng running mate ni Poe na Senator Chiz Escudero.

Gayunman sinabi ni Escudero na sakaling hindi paboran ng COMELEC si Poe maaari pa itong i-akyat sa Supreme Court.

Umaasa si Escudero na papaboran ng Supreme Court ang senadora katulad din sa kaso ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. (FPJ) ng tumakbo itong pangulo noong 2004.

Si Escudero ang campagin manager noon ni FPJ.

“Ika nga ng Supreme Court, which I open quote the court said on that case through former Chief Justice Rey Puno, ‘We cannot leave to the un-elected members of this court the power and right to decide who the next president will be’. That decision is best left to the sovereign Filipino people.”

Samantala, ipinagtanggol naman ni Senador Chiz Escudero si Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ng senador na sa kanyang pananaw walang kinalaman sa disqualification case kay Poe ang pangulo.

Dagdag pa ni Escudero, “Sa tingin at pananaw ko wala namang personal na kinalaman si Pangulong Aquino sa mga hakbang na ginagawa laban kay Senator Poe kung mayroon man, mga taong nasa baba nya na nangangampanya at solid talaga para sa kandidato na in-annoint nya.

Umasa ang senador na hindi masisira ang kanilang samahan ni Pangulong Aquino ng dahil lamang sa halalan sa 2016. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Sen. Escudero umaasang papanigan ng Supreme Court si Sen. Poe sakaling hindi paboran ng COMELEC En Banc sa disqualification case nito appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481