CALOOCAN, Philippines — Lumampas sa expectation ng isang visually-impared composer mula sa Marikina City na si Gulliver Enverga ang rendisyon sa kanyang obra ng magkakapatid na miyembro ng The Voysing sa ikalawang weekly elimination round sa A Song of Praise o ASOP Music Festival Year 5.
Ani Enverga, “Yun pong yung magandang pagkakanta nila,yung masaya, yung na-interpret nila, yung sinasabi ng kanta na kahit po malungkot ‘yung nararamdaman ng isang tao parang nagagalak pa rin po kahit may pighati.”
Bumilib naman ang magkakapatid na Sean, Topeng at JC Naval sa “Tapat Mong Pangako” kahit sa una pa lamang nilang pagkadinig dito.
Pahayag ni Sean, “Nung una ko pong marinig ‘yung song, talagang gusto ko siya. Gagawin namin ‘yung best sa awa na Dios. Kaya salamat at nanalo.”
Para naman kay JC, “Napakaganda po talaga. Wala po kaming masabi. Nung narinig namin, talagang reality lahat ng lyrics niya.”
Sabi naman ni Topeng, “Kasi ‘yung paggawa po ng awit… ‘yung awit na ‘Tapat Mong Pangako”, talagang mula po sa puso ‘yung pagkakagawa kaya dapat din po naming kantahin po namin siya na mula din po sa puso.”
Naungusan nito sa score ng mga huradong sina Boy Mondragon, Jackie Lou Blanco at Doktor Musiko Mon del Rosario ang mga awiting “Niyakap Mo Ako ng Iyong Awit” ni Jonathan dela Pena sa rendsiyon ni Mark Cordovales at “Dakilang Lumalang” ni Arthur Hernandez na inawit naman ni MJ Podolig. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post “Tapat Mong Pangako” na inawit ng The Voysing, tinanghal na ASOP Song of the Week appeared first on UNTV News.