Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Regional director ng NTC, pinakakasuhan ng Ombudsman

$
0
0
Office of the Ombudsman facade (UNTV News)

Office of the Ombudsman facade (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Inerekomenda ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng graft sa Sandiganbayan si National Telecommunications Commission Regional Director Ismael Cabural.

Kaugnay ito ng illegal na pag-iisue ng special permit sa isang radio station sa Tampakan, South Cotobato noong 2013.

Ayon sa imbestigasyon nanghingi si Cabural ng P550,000 sa radio station upang maisyuhan ito ng permit.

Noong 2014 inabisuhan ng NTC ang radio station na itinuturing na illegal ang kanilang operasyon at hindi awtorisadong si Cabural na magbigay ng special permit.

Hindi rin kinatigan ng Ombudsman ang paliwanag ni Cabural na napeke lamang ang kanyang mga pirma sa permit. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Regional director ng NTC, pinakakasuhan ng Ombudsman appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481