MANILA, Philippines — Isang dose anyos na batang lalake ang nasawi matapos na ma-tetano mula sa sugat na tinamo nito sa pagpapaputok kamakailan.
Ayon sa Department of Health (DOH), nagtamo ang nasabing bata ng maliit na sugat sa kanyang kamay matapos na magpaputok ng picolo, na ipinagwalang bahala naman ng kanyang mga magulang.
January 4 nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang naturang bata mula sa Sta. Rosa, Laguna, dahil sa paninigas nito na sensyales na na-tetano ang biktima.
Agad na sinuri at ginamot ang bata, ngunit binawian rin ito ng buhay nitong Martes.
Muli namang ipinaalala ng DOH sa publiko, na hindi dapat balewalain ang sugat mula sa pagpapaputok, dahil posibleng itong pagmulan ng tetano na maaring humantong sa kamatayan.
Samantala, umakyat na sa 929 ang kabuoang bilang ng mga firecracker-related incident batay sa latest report ng DOH.
Mas mataas ito ng walong porsyento kung ikukumpara sa bilang noong nakaraang taon. (UNTV News)
The post Batang lalake, patay sa tetano; firecracker victims, umakyat na sa 929 appeared first on UNTV News.