Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Miss Universe Pia Wurtzbach, nakapanayam ng UNTV News sa Manhattan, New York

$
0
0
Ang panayam ng UNTV News - New York kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach. (Photoville International / Gener Rigor)

Ang panayam ng UNTV News – New York kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach. (Photoville International / Gener Rigor)

UNITED STATES OF AMERICA — Nakausap ng UNTV News-New York nitong Sabado ng madaling araw (PHL time) si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa Manhattan.

Ikinwento ni Pia ang kaniyang karanasan sa unang linggo niya ngayong taon bilang 64th Miss Universe.

Kabi-kabilang interviews at TV guestings ang kaniyang pinaunlakan sa Amerika at bagamat pagod, productive at rewarding naman aniya ang buong linggo niya.

Ani Pia, “Sobrang busy, kung maded-escribe ko siya sa isang word, busy. Siguro nakaka 10 interviews ako sa isang araw. Umaga, hanggang gabi, nakakapagpahinga naman ako sa gabi, nakakatulog ako pero sobrang busy talaga. Bawat interview iba-iba, minsan seryoso minsan light lang yung conversation, pero so far sobrang productive at rewarding naman ang week na ito.

Bilang reigning Miss Universe, magtutungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo si Pia upang magsagawa ng charity work at activities.

Pangungunahan din niya ang pagpapalaganap ng awareness sa HIV/AIDS na kanyang adbokasiya.

Kabilang din sa kanyang magiging trabaho ang pagkorona sa mga mananalong contestant sa mga national competition.

“Maraming pagta-travel ang gagawin, syempre nanjan na ang mga charity organizations na associated ang Miss Universe,” dagdag pa ng 2015 Miss Universe.

Excited naman si Pia sa kaniyang nalalapit na home coming.

Nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas sa January 23 kung saan magkakaroon ng engrandeng welcome parade para sa kanya.

January 24 naman nakatakdang humarap ang bagong Filipina Miss Universe sa isang grand press conference na susundan ng motorcade na inihanda ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa January 25.

At bilang pagbibigay pugay sa kanyang nakuhang karangalan para sa bansa, isang grand tribute rin ang inihanda para sa kanya sa January 28 sa Araneta Coliseum.

Paanyaya ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, “Mga kababayan magkitakita po tayo sa homecoming ko diyan malapit na malapit na po. May grand parade po na magaganap sa buong Metro Manila at meron pong tribute show sa Smart-Araneta Coliseum, magkita [po tayo] i-relive po natin yung moment ng Miss Universe na parang nabalik tayo sa Axis Theater, Planet Holywood. Dalhin niyo po yung mga flag niyo. Excited na po akong makita kayo.”

Samantala sinabi naman ni Pia na ini-entertain niya ang posibilidad nang pagkakaroon ng acting, hosting at modeling career sa Estados Unidos sa pagtatapos ng kanyang reign. (JIHAN MALONES / UNTV News New York)

The post Miss Universe Pia Wurtzbach, nakapanayam ng UNTV News sa Manhattan, New York appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481