Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga security details na hindi tumugon sa recall order ng PSPG, kakasuhan kung walang maayos na paliwanag

$
0
0

Line up ng mga miyembro ng PNP-PSPG nitong Lunes sa Camp Crame

Line up ng mga miyembro ng PNP-PSPG nitong Lunes sa Camp Crame


QUEZON CITY, Philippines —

Hihingan ng paliwanag at possibleng kasuhan ng pamunuan ng Police Security Protection Group (PSPG) ang mga tauhan nito na hindi tumugon sa kanilang recall order.

Ayon kay PSPG Director P/CSupt. Alfred Corpus, walang dahilan ang mga ito upang hindi sumipot sa isinagawang accounting of personnel nitong Lunes kaugnay ng pagsisimula ng election period.

December pa lamang ay sinulatan na ng PSPG ang mga VIP upang i-pull out ang kanilang mga security detail bago ang January 10.

Alinsunod ito sa COMELEC Resolution 8714.

“Those who did not make it this morning (Monday), will ask them to explain in their absence, basically kasi dapat andito na ang ating mga tauhan for accounting,” ani Corpus.

“We will conduct pre-charge against them,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Corpus na nasa 1120 ang total strength ng PSPG, nasa 117 ang nakatalaga sa mga rehiyon kaya’t nasa 965 na lamang ang inaasahan nilang magre-report nitong Lunes.

Hindi na rin kasama sa recall ang mga nakatalaga sa kanilang mandatory protective agent na kinabibilangan ng presidente, senate president, justices at DILG secretary.

Subalit 882 lamang ang present sa accounting of personnel na ginawa ng PSPG at may 83 ang naitalang absent.

“Some are details with other government official who are not running for office, yung mga government official na elected at appointed who are not running for office are allowed to have their security compliment.”

“Idinagdag pa ng opisyal na kung nais ng mga kandidato na humingi ng security detail, kailangan nilang humingi ng pahintulot sa COMELEC.”

Aniya sa kasalukuyan, nasa 26 pa lamang ang humihingi ng approval sa COMELEC para sa kanilang security escort.

Ang nasa mahigit 880 mga tauhan na bumalik sa PSPG ay isasailalim sa seminar at crash course upang muling i-assess kung may kapabilidad pa ang mga itong i-assign muli sa mga VIP matapos ang election period. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Mga security details na hindi tumugon sa recall order ng PSPG, kakasuhan kung walang maayos na paliwanag appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481