(start of broadcast)
Aquino: …pondo para makuha yung pambayad sa pagdating ng may mga pension at iba pang benefits. Ulitin ko: Pisong kontribusyon mo, pag yung kinuha mo na yung benepisyo mo from P6 to P15 for every peso nga ang kailangang ibalik.
Nag-compute si Cesar Purisima nang madalian sa 5 percent na interest rate, money market etc. Kakailangan natin ng kinukulang, sa current ah, wala pa itong increase, mga 120 years na i-invest nila yung current interest rate regime para mabayaran yung obligasyon ng SSS.
Now, yung P2,000 na pension, napag-usapan na pero gusto ko lang pagdiinan, ang maapektuhan niyan 2.15 na mga pensyonado, ang maapektuhan positively. Negatively, maaapektuhan yung others dun sa 30 million. Ngayon, taon-taon, lumalaki yung contribution. Dumadami yung nagre-retire, at yung benefit package. So sa unang taon, ang kinikita ng SSS nasa range ng P30-40 billion dun sa kanilang mga investments, investment reserve fund ang tawag. Pag kinompyut natin yung 2.15 million times P2,000 times 13 months, lalabas yun na kulang-kulang P56 billion. Fifty-six kung 30 ang kinita, 26 ang deficit kada taon, sa unang taon pala, or 16 kung 40 ang kinita.
Ngayon, alam na ho natin na ang stock market pumalo na dati ng P8,000. Ang stock market ngayon nasa bandang P6,400. Yung valuation o holdings ng SSS siyempre bumaba na rin sa market na yan. Nagtaas ng interest rate regime sa Amerika. Ibig sabihin nun, sa Star ko yata nabasa kanina yung capital flight na sinasabing hot money. Bumabalik na yung pondo dun sa tinatawag na mga high-income countries tulad ng Amerika. Babawas yung umiikot dito sa ating stock market. So may negative pressure na naman dun sa ating holdings ng SSS.
Bottomline, unang taon P16 to 26 billion. Susunod na taon, may plus 150,000 ka yatang dadagdag sa dun sa mga nagpepensyon. Mas malaki. So ang suma total nito, pag umoo tayo sa pension na hinirit nila, pinag-aralan na, yung actuarial studies na sinasabi. Mga matitirang buhay ng SSS bago siya magbangkarote, 11 taon. Eh napalaki na natin ng dagdag na tatlong taon. Umabot na tayo ng 2042. So, babalik lang ako dito ano. Ang tanong, matutuwa yung 2.15 million; mapapahamak yung 30 million. Tama ba yun? Tama ba yung pagbabantay natin ng pondong ito na maitupad yung ipinagako sa bawat miyembro na meron kayong mga benepisyo.
So doon nagmula ang desisyon natin na kailangang i-veto ang measure na ito dahil hindi kayang isustena ng ating SSS system. May other benefits? Inaaral. Kaya ba natin yung P500? Yung P500, tila baka babalik tayo noong dinatnan natin 2039, baka bumalik tayo sa 2039. Pag dinagdagan natin maski 500, babawasan na naman natin yung life nung ating pondo. Ngayon, pinapasigurado ko sa kanila yung computation dapat magpo-project ka rin.
Ano ba ang halaga nitong mga ini-invest natin? Siguro para mas maidiin ko lang: Pag may deficit, P16 to P26 billion, saan kukunin yun? Ibebenta mo ngayon yung mga assets mo tulad ng stocks na may dibidendo kang kinukuha. So yung pinagmumulan ng pambayad pagdating ng obligasyon ng SSS, babawasan mo pa rin. Yun ang magpapamadali hanggang yung parang may constants na ina-assume diyan. Yung value ng holdings mako-constant. Maski hindi natin masasabing magiging constant yun. Babawasan mo ng, di ba labinlimang taon yung buhay, so pag wala tayong ginawa, pag pinayagan natin ito at wala tayong ginawa, ano yung kukunin ng mga pensyonado ng 2028 at 2029?
So kailangang pag-aralan nang mabuti yan. Ulitin ko lang, yung piso na ipinasok mo, may benepisyo kang P6 hanggang P15. Yung diperesenya kailangang kitain ng SSS. Noong ginawa yung programang yan, mataas na mataas yung interest rate na nakukuha ng SSS. Alam naman natin naging mababa yung interest rate regime ngayon. Ang gobyerno nakakuha ng concessional loan na 1 percent. Yung 5 percent yung computation ng 120 years eh, sa 1 percent. Mas magaling si Cesar mag-compute sa akin kung gaano katagal para mabuo yun. Times five siguro no?
Purisima: Yes, sir. Simple arithmetic.
Aquino: Simple arithmetic. Hindi compounding ng interest. Lalabas na eh kung 120 sa 5 percent, edi 600 years para mabayaran yung current na obligasyon sa ganitong klase ng interest rate regime.
Q: Sir, if I’m getting you right, it’s not yet the end of the road for the measure but it has to be studied carefully. And merong reports din na…
Aquino: Teka muna. The particular law I vetoed, they can overturn the veto by two-thirds vote. But at the same time, ulitin ko lang. Hindi kapritso ito. Pinag-aralan, at ibabangkarote mo yung SSS, pag pinasukan ito, by 2027. At siguro maski sino mang mamamahala ng gobyernong ito, importante na may commitment ang estado, in this case the SSS na agency ng gobyerno, na ibigay sa ‘yo yung benepisyong ipinangako sa iyo.
Ngayon gagawa tayo ng mungkahi na matutugunan yung isang grupo at so-sorry na lang doon sa lahat ng ibang sasali sa sistema mula nitong taong ito na naging batas yan. Hanggang 2027, yun ang huling babayaran. Tapos nun ay bahala kayo o bahala na si Batman. Eh hindi naman yata tama yun.
Baka puwede ko lang ipagdiinan, may mga nagtatanong na eleksyon, negative votes, ganyan-ganyan. Parang mas mali namang magalit sa akin yung kabuuan ng trenta milyones na yun, kaysa itong two million na ito.
So sana tignan lang natin. Ano ba yung facts? Ulitin natin, piso. Hindi naman ibabalik sa ‘yo yung piso. Ibabalik sa ‘yo anim hanggang labinlimang piso. Kailangang kitain pa rin ang diperensya. Saan kikitain yun? Tapos dadagdagan pa natin yung obligasyon. Hindi na P6 to P15. Pag pinasok, 2.5 million times 13 months.
Calica: Sir, last na lang po. There are reports saying that the senators failed to give you the sister bill of this proposal that you vetoed. What can be done about that?
Aquino: Well, baka puwede nilang repasuhin. Pero ang tanda ko.. 41 percent, ‘no?
Purisima: Yes, sir.
Aquino: Ibibigay natin ulit. Desisyon nila. Sila ang gumagawa ng batas. Bibigyan natin ng benepisyo 2.15 [milyon]. Hindi yun yung kabuuang miyembro ng SSS. Hihingan natin ng dagdag na kontribusyon. Isang nakita kong study, 41 percent increase yung contribution by all members. At hindi natin niru-rule out yun. Baka kailangan nga yan para mapahaba yung buhay ng pondo. Pero yung maliwanag, yung naipasa dagdag na payout ng SSS, na unang taon pa lang ng implementation ay magde-deficit na tayo ng between 16 to 26 billion pesos.
Nikko Dizon, Inquirer: Sir, good morning. Still on SSS. Sir, you’ve been called heartless and callous, walang malasakit, not only by politicians, but also by the pensioners because P2,000 would go a long way for them. And while at the same time, SSS officials get fat bonuses. How do you reconcile this, sir?
Aquino: Teka muna, puntahan natin yung bonuses. Dumadaan sa GCG. Mahabang proseso yan. Nag-improve ba ang SSS? At meron, hindi ko lang dala yung table ngayon, pero ipapakita na hanggang 2011, mayroong deficit taon-taon ang SSS. Mula 2012 hanggang sa kasalukuyan, naging positive na yan. At kailangan po positive dahil may babayaran kang multiples nung ikinontribute, hindi naman yung contribution lang yung pinaghahati sa lahat, di ba.
Now heartless, meron namang ibang mechanisms in government para doon sa mga pinakatalagang nangangailangan. Nabasa ko pambili daw ng kanyang maintenance medicine. Meron namang tulong ang DOH, meron rin ang PhilHealth. Meron tayong other social nets.
So babalikan ko lang. Siguro, ama ng bayan ako, wala namang pinagkaiba sa ama ng tahanan. Meron tayong pondo ngayon. Ubusin natin ngayon, bahala na si Batman bukas? Or dapat bang paghandaan natin yung bukas? Paniwala ko bilang ama ng bayan, hindi naman tugunan mo lang yung pangangailangan ngayon. Kailangan mo mapagplanuhan yung darating na pangangailangan.
So heartless ako ngayon, kung 2027 nabangkarote yan, yung 30 million or more by that time ang magsasabi namang careless ako at heartless at the same time. Pinabayaan ko silang… Yung pinangakuan tapos mapapako yung pangako ng estado sa kanila.
So ganun eh. Dinala ako sa sitwasyon at kung talagang pinag-aralan sana. Hindi naman iba yung facts na tinitignan namin eh. Pero nga, may choice ngayon, puwede akong magpapogi, tulungan yung endorsement ko sa lahat. At tutal naman 2027, baka nakalimutan na ako dun eh hindi na ako masisi. Sisisihin na lang kung sino mang namamahala sa atin doon. Pero tama ba yun na dadalhin ko ang taumbayan sa direksyon na yung magiging kapahamakan nila?
Sana tingnan po ninyo yung tiningnan kong datos. Sabihin n’yo kung mali yung aking reasoning dito. Kung mali, bakit hindi ko babaguhin yung kilos ko? Pero kung tama naman po, huwag na tayong mag-isip nung pakinabang natin ngayon na katumbas ng problema natin bukas.
Dizon: Yes, sir. So you’re confident that there won’t be any backlash pagdating sa 2016 elections?
Aquino: I’m sure yung mga kalaban natin ano eh, pipilitin na babalikan na naman ito. Pero palagay ko naman ang nakakarami sa ating mga kababayan, titingnan yung datos ulit, hindi magpapadala ng basta-bastang nagsabi ganito at ganyan.
Yun nga ano, yung lahat ng kabataan nating kakapasok sa labor force ngayon, payag sila 2027, pero tagilid na? Contribute ka nang contribute eh wala ka naman palang mapapala. Eh baka naman bata ang populasyon natin. At pati na rin yung ibang matanda at yung nasa gitna nilang lahat. Mali ba ang sinasabi ko na ipasok, tulungan ang porsyento, ano ba, one out of 15 ang tutulungan, ipapahamak mo yung 14 others.
Ulit ah, hindi biro yung P16 to P26 billion yearly deficit. At hindi natin masasabing hindi mag-iincrease yung deficit na yun. Malamang mag-iincrease dahil yung automatic 150,000 new pensioners every year. So baka yung 2027, baka may pagka-optimistic pa yun. Siguro paganun na yun, isipin n’yo sarado ang SSS at wala na tayong pagkukunan ng lahat ng benepisyo.
Baka puwede nating tingnan yung mga eksperyensya sa ibang bansa na tawag nila “pay-as-you-go.” May ipinangako sa empleado at pagdating nung paunang bayaran, dun magkakandarapa maghahanap kung paano bayaran. Yung America na napakaprogresibong bansa, ang dami nilang states na namomroblema paano nga ba babayaran lahat itong mga ipinangako sa kanilang manggagawa.
So sa atin, hindi ganun. Meron tayong pambayad. Kailangan tayong maging masinop para matupad yung pangako ng estado sa lahat ng mamamayan na meron kayong mapapala pag yun, di ba? Mag-contribute kayo, meron kayong benepisyong makukuha sa takdang panahon. Hindi naman puwedeng pangakong bahala na, nasa alapaap lang kukunin yung pondo. Hindi naman nag-iimprenta ng pera yung SSS. Kailangan i-invest yung kanilang pondo para matakpan yung difference nung contribution at saka nung payout.
Dizon: Sir, yung sa SWS survey, they released their latest numbers now. Is it a cause for concern to you that Vice President Binay and Bongbong Marcos are the ones who are practically gaining numbers?
Aquino: It’s a snapshot right now. So parang wala pa tayo sa panahon ng kampanyahan, so yung mga issues na dapat nilang tugunan ay hindi pa nila tinutugunan. So para bang… Hindi naman ako pollster, pero baka naman may parte na rin dun na, di ba walang naaalalang negative dun sa kasalukuyan yung mga natanong. Pero pagdating ng eleksyon, hindi puwedeng iwasan yun, sa kampanya mismo, ano, hindi na puwedeng iwasan. Kailangan harapin lahat ng mga issue.
At siguro parang, yung sa ating mga kandidato, may consistency dun sa numbers, so we think that there is nowhere to go but up.
Dizon: Is the administration ticket planning to raise the issues against Sen. Marcos, like the revisionism, Martial Law, and Vice President Binay’s corruption allegations?
Aquino: Well, may malaking parte po na gusto namin sana positive na campaign, which is ang Daang Matuwid may mga benepisyong idinulot sa taumbayan. At ang tema nga namin, ituloy ang Daang Matuwid. At ang magkakampanya para sa amin, lahat ng benepisyaryo ng lahat ng mga programang ipinatupad natin sa loob ng ating panunungkulan.
So gusto sana naming dalhin ang talakayan dun. Kaya ba ninyong pantayan o higitan yung nagawa namin? Kung kaya n’yong higitan, eh di kayo dapat ang mamuno sa atin. Kung hirap kayong ipaliwanag kung paano mapapantayan man lang, eh baka naman mas sigurado tayo sa mga kandidatong iminumungkahi namin na totoong magpapatuloy at magpapalawak ng benepisyong napala ng ating sambayanan.
Dizon: Sir, may pinapatanong lang si Celerina kasi.
Aquino: Parang yung favorite topic ko yata yan.
Dizon: Sir, will you raise po the issue of comfort women with Emperor Akihito during his visit two weeks from now?
Aquino: Nung unang tinanong mo yata sa akin saka yung bones, di ba? Yung alam n’yo nung ako’y kongresista pa at siyempre hindi naman lahat ng kilos ko, orihinal sa akin eh. For instance, at that time, ang ating Secretary of Foreign Affairs noong panahon ni Erap, si Domingo Siazon. So nung nagkaroon ng pagkakataon na nakasama ako sa Japan, lumapit sa akin yung ilang mga comfort women at sinabi puwede bang isulong yung aming kawsa (cause), at ang sagot sa atin nung isa sa nilapitan ko, yung ating Secretary of Foreign Affairs at that time, kung hindi ako nagkakamali si Domingo Siazon nga, at sabi ko, “Wala ho ba tayong paraan para balikan itong isyung ito?”
Ang sagot niya sa akin, bago pa raw nung time niya, meron tayong kasunduan sa bansang Hapon na kasama dun yung reparations na supposed to be saklaw na lahat nitong mga isyung ito.
So parang ang ibinahagi sa atin noong panahon na yun ay tapos na raw yung obligasyon ng Japan, na yung kailangan nilang gawin. Pero wala namang mawawala na puwede naman nating imungkahi na tulungan din tayo sa pagpapasaayos, dagdag dun sa mga ginawa na natin, para sa ating mga comfort women.
Dizon: Yes, sir, because there were developments in South Korea.
Aquino: Sila never nagkausap, never yata nagkaroon ng kasunduan tungkol dun. So yung reparations, baka hindi pa ako tao nung napag-usapan na yun, baka 1950s. So yun ang pormal na sinagot sa atin ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas nung mga panahon na yun.
Roices Sibal, TV 5: May we know your directives following the bombings in Jakarta? And have you received similar threats or reports on possible terror attacks dito po sa atin?
Aquino: Well, yung the last report I read says walang credible threats. Ngayon naman aware kayo dun sa social media, in particular, merong mga umaangkin na miyembro sila ng ISIS. Yung to date, meron tayong dalawa, sa aking pagkakaunawa, may dalawang Pilipino, pero ika-clarify ko. Itong dalawang Pilipino na ito, isang nasa Saudi Arabia, kung tama tanda ko. Isa naman Lebanese, ano. Yung half-Filipino sila pareho. Sinubukan ng taga-Saudi Arabia ang sumali sa ISIS at itong sa Lebanon, hindi ko maalala lahat ng detalye. Bottomline, silang dalawa never tumira sa Pilipinas. So nandun lang.
Ngayon, having said that, malaki ang population natin sa Middle East, 1 to 2 million. Marami nara-radicalize ng Internet. Siyempre magiging prudent tayo dito na pipilitin nating makipag-ugnayan sa other intelligence agencies, at yung ating intelligence agents themselves eh binabantayan itong mga komunidad natin para makita nga kung nagkakaroon ng impluwensya itong ISIS.
Having said that, merong mga miyembro ng ASG nag-pledge. Kung sino-sinong naglalabas ng bandera ng ISIS at sinasabing kami ang ISIS. May mga report na parang malapit na raw i-recognize yung isang cell dito. Pero batid naman n’yo, tulad ko, na itong mga nagsasalitang ito ay dati nang mga kalaban ng estado tulad nung ASG na bago nito ay kasali raw ng Al-Qaeda, na sumali rin sa Jemaah Islamiyah na affiliate ng Al-Qaeda. Ngayon na ISIS ang sikat, ISIS naman sila. Bukas pag may bagong grupo, iba na naman pangalan nila.
Ano bang directives natin? Matagal na tayong nagha-harden, yung tinatawag na hardening of sites. For instance, malapit na yung anniversary ng Mamasapano. Nagpunta ako ng Zamboanga City dahil Zamboanga City hardened. Pero may nakalusot na pambobomba dun. Paano nakalusot ito? So inalam natin yung facts at nagkaroon ng mga corrective actions para hindi maulit ito.
Ngayon sa dulo nito, tayo open society, 100 million ang population natin dito, pagtutulungan ng gobyerno at saka ng sambayanan ang magdadala sa ating kaligtasan. Di ba parati tayong nakikiusap, kasama ng hardening of sites, gawin nating aware ang ating mga kababayan. Meron bang mga suspicious na umaaligid-aligid diyan? Meron bang, di ba, pati yung packages, mga bag na iniiwang unattended?
Tayong lahat, sorry kung mali yung phraseology ko, pero parang kung tayo ay magpapabaya bilang sambayanan, kung tutulog-tulog tayo, parang ang example ho siguro dito yung ostrich na dumating raw yung leyon, tigre, etc. binabad yung ulo sa ilalim ng buhangin para wala siyang nakikita, wala akong problema. Hindi ho puwede ngayon yun. Nakita naman natin ang mga atakeng ginawa sa Paris, sa Amerika, sa Indonesia. May banta rin sa atin. May credible threat? Meron ba talagang tukoy na threat? Wala. May general threat? Oo. Hindi naman tayo immune sa nangyayaring problema ng extremism.
Pero lahat nga ng ating mga ahensya sa law enforcement, sa intel, eh talagang nakatutok din sa problemang ito at pinipilit nating ma-thwart lahat ng potential na problema. So mula doon sa saan ba puwedeng mag-radicalize hanggang doon sa pagsasaayos ng kabuhayan dito ng mga kapatid natin na baka ma-radicalize, para di ba hindi na sila ma-attract sa ganung ideolohiya saka pilosopiya.
Sibal: Yung pag-raise ng heightened alert, is that connected to the Jakarta bombings too?
Aquino: Kahapon I was actually, I met with the chief of staff and the director general of the PNP and also the NSA was there, present in the same meeting. At basically, wala silang fini-feedback sa akin na mayroong imminent threat. Pero walang mawawala sa atin na paalala sa lahat na kailangan tuloy-tuloy ang pagbabantay natin.
Siguro nung tayo’y kasama, bahagi ng nagbibigay-seguridad sa ating ina, ang problema nung nagbabantay, kailangang 365 [days] , 24/7 alerto. Pero yung trabaho talagang walang nangyayari, medyo puwede maging boring. Pero yung kalaban mamimili ng isang araw. So kailangan kung namili yung kalaban nung araw na yun, tayo namang nagbabantay ay kasing-active, kasing-alert at yun ang pinipilit natin. So paano nagsabing heightened alert, ipinapaalala sa lahat na may obligasyon dito sa tinatawag na hardening of sites.
SOURCE: The Official Gazette
The post TRANSCRIPT: President Aquino on the SSS issue and other matters [Interview] appeared first on UNTV News.