Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Biktima ng pambubugbog at pananaksak sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang nabugbog na si Noe Ayona Cois habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue - Baguio City.

Ang nabugbog na si Noe Ayona Cois habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue – Baguio City.

BENGUET, Philippines — Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News ang isang lalaki may sugat sa ulo at kaliwang kilay, matapos mabiktima ng pambubugbog sa Baguio City.

Kasalukuyang nagpapa-blotter sa mga pulis ang biktima na si Noe Ayona Cois sa Baguio City Police Station 7 nang makita ng UNTV News and Rescue Team, alas-dos ng madaling araw noong Sabado.

Ayon sa biktima kasalukuyan silang nagkakasiyahan ng kaniyang asawa at kaibigan ng biglang may sumuntok sa kaniya na grupo ng mga kalalakihan.

Tumanggi na si Noe na magpadala sa ospital, samantalang nakakulong na ang tatlo sa nambugbog sa biktima.

Makalipas lamang ang isang oras, isang lalaki naman na biktima umano ng pananaksak ang dumulog sa nasabi ring istasyon ng pulis.

Nagtamo ng malaking hiwa sa kamay si Couram Carbonell, 28 anyos, isang call center agent sa Baguio City matapos salagin ang tangka umanong pananaksak sa kaniya ng suspect na si Kyle Daddi.

Tumanggi naman si Gaddi na sagutin ang tanong ng mga pulis sa intensyon ng kaniyang pananaksak sa biktima.

Hindi naman na nagpahatid pa sa ospital si Carbonell, matapos bigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorcycle rider na si Cherrylon Ongan, 32 years old, matapos maaksidente sa Mariveles, Bataan mag-a-alas dose ng hating gabi noong Biyernes.

Kaagad na binigyan ng pang-unang lunas ang biktima at inihatid sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa kapatid ng biktima na kasabay niyang nagmagmamanero rin ng motor, self-accident ang nangyari ng biglang mag-paandar ng mabilis ng motorsiklo ang kaniyang kapatid at saka sumemplang.

Samantala, isa pang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Bacolod noong Biyernes ng madaling araw.

Katuwang ang Amity Rescue Team, nilapatan ng first aid ang mga sugat sa paa at tainga ng biktima na si Lomukso Galing.

Ayon sa biktima, galing sya sa kasisyahan at papauwi na sana sa bahay ng madulas ang kaniyang motor sa kalsada sa Lacson Street Extension, Brgy. Taculing, Bacolod City.

Kaagad na isinugod sa Corazon Locsin Regional Hospital ang biktima dahil sa labis na sakit ng kaniyang ulo. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post Biktima ng pambubugbog at pananaksak sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481