Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP at MMDA, pasok na sa semi-finals ng UNTV Cup Season 4

$
0
0
Dahil sa tagumpay kontra sa PNP Responders nitong Linggo, naka-seguro ang AFP Cavaliers ng twice-to-beat advantage sa semifinal round ng UNTV Cup Season 4. (Charlie Miñon / UNTV News)

Dahil sa tagumpay kontra sa PNP Responders nitong Linggo, naka-seguro ang AFP Cavaliers ng twice-to-beat advantage sa semifinal round ng UNTV Cup Season 4. (Charlie Miñon / UNTV News)

PASIG CITY, Philippines — Hawak na ng season 2 defending champion AFP Cavaliers ang number one slot na awtomatikong naglalagay sa kanila sa semi-final round sa pagpapatuloy ng UNTV Cup Season 4.

Ito ay matapos talunin ng Cavaliers ang PNP Responders sa kanilang sagupaan nitong Linggo sa Ynares Sports Arena sa score na 71-76.

Dikdikan ang laban ng mga sundalo at pulis, sa huling dalawa at kalahating minuto ng last quarter; isang puntos lang ang lamang ng AFP.

Tinangka pang humabol ng PNP ngunit kinapos sa pagtatapos ng laban.

Tinanghal na best player of the game si Jeffrey Quiambao na, sa kabila ng injury ay, kumamada ang 16 points, 8 rebounds at 2 blocks.

At si Alvin Zuñiga na may 14 points, 2 rebounds at 2 assists, kabilang ang napakahalagang 3-point shots, sa huling limang segundo ng laban na nagbigay ng assurance sa tagumpay ng Cavaliers.

“Nakita ko, gumugulong na yung bola… Wala nang ibang choice kundi i-hagis buti na lang nagkaroon ng lucky shot,” ani Alvin Zuñiga.

Pahayag naman ni Jeffrey Quiambao, “Oo nga, eh kahit may injury pinilit ko na rin. At least na-deliver na rin ng player na nakasama ko, so maganda naman ang kinalabasan at saka less-taken ng play; nagawa naman namin yung laro na pinapagawa sa amin ng coach namin.”

Ayon sa AFP, pinaghandan nilang husto ang laban sa PNP upang makuha nila ang number 1 slot.

Pahayag ni AFP Cavaliers Head Coach Alfredo Cayco, “Maganda ang pinakita ng mga bata ngayon. Talagang ang sabi ko sa kanila mas cool kami plus win, ah kapag hindi, baka malalaglag kami. Eh, maganda ngayon na nag-click ang mga players ko. Ahh number one tayo… Number one tayo…”

Dagdag pa ni Cayco, “Malakas pa rin ang team ng PNP kaya nga lang talagang pinaghirapan namin ito. Talagang pinag-pepraparan namin.”

May record na 7-2 win-loss record ang AFP Cavaliers, kaagapay ng MMDA Blackwolves.

Ngunit dahil sa ‘win over the other’ rule, kung saan tinalo ng Cavaliers ang Blackwolves nuong September 17, nakuha ng AFP ang number one slot samantalang number 2 naman ang MMDA.

Matatandang noong nakarang season ay nabigong idepensa ng Cavaliers ang kanilang titulo ng pigilan ng Malacañang Patriots na makapasok sa semi-finals ng matalo sa kanilang do-or-die game sa quarter finals.

Samantalang nasa 5-way tie naman ang PNP, NHA, BFP, Judiciary at Malacañang na kapwa may 5-4 win-loss record.

Gamit ang quotient system, ang Malacañang Patriots ang magpapaalam na sa liga sa pagtatapos ng 2nd round eliminations kasama ng Senate Defenders na may tatlong panalo at anim na talo. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post AFP at MMDA, pasok na sa semi-finals ng UNTV Cup Season 4 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481