PASAY CITY, Philippines — Naniniwala ang PDP-Laban o Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na walang maituturing na mahigpit na katunggali si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.
Ayon sa bagong spokesperson ng partido na si Atty. Paola Alvarez, ito ay sa dahilang ang ibang kandidato sa pagka-Pangulo ay may kinakaharap na issue o problema.
Sinabi ni Alvarez kahit na marami ang pumupuna sa istilo ng pagsasalita ni Duterte at inaakusahan ng paglabag sa human rights kitang kita ang kanyang political will.
Binigyang diin din ni Alvarez na buo ang puwersa ng kanilang partido sa buong bansa at sa kasalukuyan ay isinasapinal na ng PDP-Laban ang listahan ng mga aktibong miyembro nito. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)
The post Mayor Duterte walang mahigpit na katunggali sa presidential election — PDP Laban appeared first on UNTV News.