Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malakanyang tumangging magpahayag kaugnay ng panukalang executive order sa salary increase ng mga government employee

$
0
0
FILE PHOTO: Mga empleyado sa isang opisina ng gobyerno

FILE PHOTO: Mga empleyado sa isang opisina ng gobyerno

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Pro Tempore Ralph Recto kay Pangulong Benigno Aquino III na maglabas na ng executive order upang maitaas ang sahod ng mga government employee.

Ang panawagan ay bunsod ng pagkaantala ng pagpasa sa Bicameral Conference Committee ng Salary Standardization Law 4.

Kung saan ang unang bahagi ng salary increase ng mga empleyedo ng pamahalaan ay dapat naumpisahan na noon pang January 2015.

Ayon kay Recto, dapat umaksyon na ang Pangulo sa isyung ito at magsimula nang magbalangkas ng isang E.O.

Sa pamamagitan anya ng E.O, magpapatupad ang Pangulo ng isang programa na kung saan sa prinsipyo ay may pahintulot na ng Kongreso.

Dagdag ni Recto, may nakalaan namang 57.9 bilyon sa 2016 national budget para sa salary increase ng 1.3 million government workers at isumite na lamang ulit ang panukalang SSL4 sa susunod na Kongreso.

Ito na lamang ang nakikitang paraan ng senador upang hindi na maantala pa ang inaasahang salary increase ng mga government employee.

Ngunit sagot ng Malakanyang, hihintayin muna nila ang magiging pinal na aksyon ng Kongreso sa proposed salary increase bago sila magbigay ng posisyon ukol sa panukalang executive order.

Ang proposed SSL4 ay “deadlocked” sa Bicameral Conference committee dahil sa isyu na isabay na ang mga military pensioners sa gagawing pagtataas sa sahod ng mga government employee. (NEL MARIBOJOC / UNT VNews)

The post Malakanyang tumangging magpahayag kaugnay ng panukalang executive order sa salary increase ng mga government employee appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481