QUEZON CITY, Philippines — Inumpisahan na ng pinuno ng Pambansang Pulisya ang paglilibot sa iba’t-ibang estasyon ng pulis sa buong bansa.
Ito’y upang alamin kung handa na sa pagpapatupad ng seguridad sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, importanteng masukat ang kahandaan ng mga pulisya upang matiyak na magiging ligtas at mapayapa ang pagdaraos ng halalan.
“Gusto kong makita in person how are units are preparing for this election. Kasi iba ang nababasa mo lang sa report at iba yung nakakausap mo. It gives a level of comfort kung prepared na ba sila or do I have to do more,” pahayag ni PNP Chief PDG Ricardo Marquez.
Nitong Miyerkules, unang binisita ni Gen. Marquez ang Batangas Provincial Police Office kung saan binigyan nya ng ultimatum ang mga opisyal doon dahil sa kabiguan ng mga itong masugpo ang mga krimen.
Kabilang aniya dito ang umano’y extortion ng mga criminal gang sa mga negosyante.
“Ang concern natin sa Batangas ay yung existence ng mga criminal groups doon which victimize yung mga locators sa mga economic zone.”
Hamon ni Chief PNP sa mga opisyal ng pulis sa Batangas, mag-resign na sa serbisyo kung hindi kayang gawin ng maayos ang kanilang trabaho.
“Kung hindi nyo kayang mag-operate, it’s time to resign, it’s time to resign sabi ko sa kanila. May mga responsibilities tayo bilang commander. Gusto natin maging commander? May mga collateral missions tayong dapat gampanan. Kung tayo’y magpapakasaya lamang sa isang lugar at magpapasarap lang, hindi ganon,” ani Gen. Marquez.
Giit ng heneral, kaya sila idini-destino sa isang lugar ay upang protektahan ang mga mamamayan sa anumang krimen at hindi upang magpasarap lamang o mamasyal sa lugar na kanilang nasasakupan.
Sinabi pa ni Gen. Marquez, importanteng ligtas ang isang lugar upang hindi umalis ang mga businessman at upang magtuluy-tuloy ang pag-unlad rito.
Nais rin ni Marquez na mahuli agad ang mga criminal gang na nangingikil sa mga negosyante sa Batangas. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post Chief PNP, naglilibot na sa mga estasyon ng pulis sa buong bansa, kaugnay ng election preparation appeared first on UNTV News.