Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sumbong Ko campaign ng COMELEC, patuloy na nakakatanggap ng reklamo

$
0
0
Isang halimbawa sa kampanya ng COMELEC na #SumbongKo.

Isang halimbawa sa kampanya ng COMELEC na #SumbongKo.


MANILA, Philippines —
Mga poster na nakakabit sa poste ng kuryente, puno, overpass, pader at sa iba pang ipinagbabawal na lugar, ilan lamang ito sa mga sumbong na natatanggap ng Commission on Elections sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Ang ibang posters walang nakalagay kung sino ang nagbayad sa pagkakabit ng mga poster na isang paglabag sa Fair Elections Act.

Una nang hinikayat ng COMELEC ang publiko na makilahok sa isang shame campaign laban sa mga election law violator sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato at i-upload sa social media gamit ang hashtag na sumbong ko upang maberipika ng poll body.

Subalit apela ng COMELEC dapat huwag lang ang paglabag ng mga hindi suportadong kandidato ng administrasyon ang isumbong sa kanila.

Pahayag ni COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, “Mas mainam sana kung yung paninita natin ay hindi lamang doon sa mga kalaban natin kundi pati rin doon sa kakampi natin. Kasi kung iligal yung ginagawa ng kandidatong ayaw niyo the same acts are still illegal even if they are performed by the candidates that you prefer. So, mas effective yung shame campaign natin kung lahat isi-shame natin.”

Giit ng poll body dapat nasa common poster area ang campaign paraphernalia ng mga kandidato.

Ituturing na election offense ang paglalagay ng campaign posters sa mga ipinagbabawal na lugar.

“Yung common poster areas responsibilidad ng kandidato at ng kampanya alamin kung nasaan ang common poster area sa syudad o munisipalidad kung saan siya nangangampanya. So, kailangan sumangguni sila sa election officer.”

Dagdag pa ni Director Jimenez, “Kahit sa loob ng common poster area, kailangan sumusunod sila sa sukat na 2×3 feet ang maximum. Hindi pwedeng gumawa ng serye ng posters na pwede mo pagdikit-dikit para mabuo ang isang pangalan.”

Una nang sinabi ng COMELEC na bibigyan nila ng tatlong araw na palugit ang mga kandidato at partido pagkatapos ay gagawa ng legal na aksyon.

Ang mapapatunayang nakagawa ng election offense ay maaring makulong ng isa hanggang anim na taon, hindi na makakahawak ng posisyon sa gobyerno at hindi na makakaboto. (VICTOR COSARE / UNTV News)

The post Sumbong Ko campaign ng COMELEC, patuloy na nakakatanggap ng reklamo appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes