Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nasayang na malinis na tubig dahil sa nasirang tubo sa Sta. Mesa, Manila, tinatayang aabot sa 36-million liters

$
0
0
Ayon sa PIDS, ang tumapon na tubig mula sa tumagas na pipeline ng Maynilad ay kayang mag-supply  sa pangangailangan ng isang barangay sa loob ng limang buwan.

Ayon sa PIDS, ang tumapon na tubig mula sa tumagas na pipeline ng Maynilad ay kayang mag-supply sa pangangailangan ng isang barangay sa loob ng limang buwan.


MANILA, Philippines —
Halos 12-oras tumagal ang napakalakas na tagas ng tubig mula sa nasirang pipe line ng Maynilad sa Sta. Mesa.

Sa taya ng Maynilad nasa 3000 cubic meters kada oras ang natapong tubig o katumbas ng 36 million liters sa pag-bulwak ng tubig na nagsimula alas-11 ng gabi nitong Miyerkules hanggang bandang alas-10 ng umaga ng Huwebes.

Base sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang isang household ay kumukunsumo ng hanggang 200 litro ng tubig sa isang araw o 6,200 sa isang buwan.

Kaya kung susumahin ang mga nasayang na tubig ay katumbas ng limang buwang kunsumo ng tubig ng isang barangay na may 1,000 households.

Kaya naman laking panghihinayang ng PAGASA Hydrometeorology Department nang malaman ang dami ng tubig na natapon lamang.

Lalo na ngayong nakararanas ng matinding tagtuyot ang bansa at matindi ang ginagawang pagtitipid sa naka-imbak na tubig sa Angat Dam upang hindi kapusin sa supply ng tubig ang buong Metro Manila at karatig na lugar.

Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Richard Orendain kung hindi agad naayos ang nasirang tubo at nagpatuloy ito ng isang linggo maaapektuhan na nito ang supply ng tubig sa buong Metro Manila.

“Malaking perwisyo na sa kalsada malaking kawalan pa sa supply ng tubig natin… kung pag-uusapan natin ang delay ng repair ng mga pipelines malaki ang kaibahan niyan yung itinatapon ng tubig nyan malakas dahil pressurized yan.”

Dagdag pa ni Orendain sa ngayon kaya hindi mabilis ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam ay dahil sa ilang mga pag-ulan na nararanasan sa watershed ng dam.

Sa ngayon nasa 209.37 meters pa ang level ng tubig sa Angat Dam malayo pa sa 180 meters critical level.

Subalit inaasahang mas titindi pa ang tag-init sa buwan ng Mayo at Abril.

Sa panig naman ng National Water Resources Board o NWRB dapat ay hindi pinatatagal ang pag-aayos ng mga nasirang tubo upang hindi masayang ang tubig.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David dapat na lalong paghandaan ng publiko ang posibilidad na maranasan ang mas matindi at mahabang tagtuyot.

“Dito po sa panahon ng El Niño mas kailangan pa rin ito po ay paghahanda na rin sakaling magkaroon ng extension yung dry season, may tubig tayo, kailangan magtipid para magkaroon tayo ng sapat na supply,” ani Director David. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post Nasayang na malinis na tubig dahil sa nasirang tubo sa Sta. Mesa, Manila, tinatayang aabot sa 36-million liters appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481