MANILA, Philippines — Muling nanguna si Vice President Jejomar Binay sa latest survey ng Social Weather Station na kinomisyon ng pahayagang Business World.
Nakakuha si Binay ng 29% ng 1,200 respondents na tinanong kung sino ang malamang na iboto kung isasagawa ang eleksyon ngayon.
Gayunman, kakaunti na lang ang lamang ni VP Binay kina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kapwa may 24%.
Nasa ikatlong pwesto naman ang administration bet na si Mar Roxas na may 18% habang nakakuha naman ng 4% si Sen. Miriam Santiago.
Batay naman sa ipinadalang pahayag ng kampo ni Sen. Poe, gagamitin nila ang survey results bilang panuntunan sa kanilang susunod na mga hakbang.
Kumpyansa naman si Sen. Franklin Drilon ng Liberal Party na magbabago pa ito dahil nagsisimula pa lamang ang kampanya.
Samantala, tabla sa vice presidential race sina Senators Bongbong Marcos at Francis Escudero na kapwa may 26%.
Sinundan ito ni Congresswoman Leni Robredo na may 19% at Sen. Alan Peter Cayetano na may 16%. (UNTV News)
The post VP Binay, kakaunti na lang ang lamang kina Mayor Duterte at Sen. Poe sa SWS Survey appeared first on UNTV News.