Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ikalawang reklamo vs ilang opisyal ng PCSO, ihinain sa Ombudsman

$
0
0
FILE PHOTO: Office of the Ombudsman (UNTV News)

FILE PHOTO: Office of the Ombudsman (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naghain ng ikalawang complaint ang grupong citizens crime watch sa Office of the Ombudsman kanina laban sa ilang board members ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Small Town Lottery o STL.

Kaugnay ito ng umano’y hindi pagbabayad ng sampung porsyento na documentary stamp tax na umabot sa P2.9 billion mula 2006 hanggang 2015 ng PCSO na dapat kinokolekta sana mula sa STL.

Kabilang sa mga inireklamo ng plunder at graft sina general manager ng PCSO na si Atty. Jose Ferdinand Rojas II at board members na sina Atty. Francisco Joaquin II, Betty Nantes, Mabel Mamba, Remeliza Gabuyo at iba pa.

Ayon kay Diego Magpantay, ang head ng Citizens Crime Watch, malaking pera ang nawala sa taumbayan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ng PCSO.

Hindi naman kasama sa inireklamo si PCSO Chairman Ayong Maliksi dahil siya aniya ang nagpaimbestiga sa anomalya sa STL. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Ikalawang reklamo vs ilang opisyal ng PCSO, ihinain sa Ombudsman appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481