QUEZON CITY, Philippines — Muling nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police na ang Special Action Force ng pumatay kay Zulkifli Binhir alyas Marwan.
Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, may mga ebidensya sila na nagpapatunay na mga SAF ang nakapatay dito.
Aniya, SAF ang nasa loob ng kubo na pumutol sa daliri ni Marwan at malinaw din itong nakikita sa mga litrato bukod pa sa statement ng mga SAF survivor.
Bunsod nito, hinamon ni Gen. Marquez na maglabas nang ebidensya ang mga nagsasabing hindi SAF ang pumatay sa Indonesian bomber.
Ani PNP Chief, “Put up the evidence or shut up. Kasi as far as were concerned, we have a very very strong evidence that it was indeed our people, that SAF, who neutralized Marwan.
“A lot of stories circulating in the past already. Kwentuhan lang pero walang ebidensya. So, put up evidence otherwise, shut up.”
Giit ng heneral, dapat nang tuldukan ang isyu lalo na kung wala naman mailabas na patunay ang mga nagsasabi nito.
Muling lumabas ang isyu hinggil sa pagpaslang kay Marwan nang sabihin ito ng Anti-War, Anti-Terror Mindanao partylist sa isang press conference noong Biyernes. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post Pamunuan ng PNP, hinamon na maglabas ng ebidensya ang mga nagsasabing hindi SAF ang pumatay kay Marwan appeared first on UNTV News.