Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga makabagong military air asset ng AFP, muling ibibida sa ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution

$
0
0
Ang ensayo ng grupo ng AFP air asset na ito para sa flyby sa People Power Anniversary sa Huwebes. (Rovic Balunsay / Photoville International)

Ang ensayo ng grupo ng AFP air asset na ito para sa flyby sa People Power Anniversary sa Huwebes. (Rovic Balunsay / Photoville International)


QUEZON CITY, Philippines —
Mahigit sa dalawamput-limang makabagong air assets ng Philippine Army ang muling mamamalas ng publiko sa Huwebes, February 25 sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Tampok sa aerial display ang 15 light military trainer jets, 3 utility helicopters, 3 military utility helicopters o Hueys, at 3 AgustaWestland attack helicopters.

Kasama rin sa gagawing flyby sa Huwebes ang dalawang bagong FA-50 fighter jets na magpapamalas ng high-speed opener passes at dalawang UH-1H na magsasabog naman ng mga bulaklak sa nasabing okasyon.

Ang dalawang bagong fighter jets ay nabili ng Pilipinas noong November 2015 na bahagi ng 12-aircraft deal sa Korea Aerospace Industries na nagkakahalaga ng 18.9 billion pesos.

Paliwanag ng AFP, layon ng nasabing aircraft show na maipakita sa mga Pilipino ang mas pinaigting na kakayahan ng Sandatahang Lakas ng bansa, sa usapin ng aerial warfare.

Ani AFP-PAO Chief Col. Noel Detoyato, “It is just to highlight the AFP transformation and capability.

“It has just to be repeated para mas makita at ma-feel ng mga Filipinos na the AFP has already transformed.”

Ang pagpapalipad sa air assets ng Pilipinas ay bahagi rin ng pagsasanay ng mga piloto.

“Everytime they fly is part of their training, naka-jive yun sya sa training nila, and you have to play those assets kasi may minimum flying hours yan sya eh.”

Isa rin sa mga inaabangang bahagi ng anibersaryo ng People Power ang makasaysayang unity walk o salubungan na pangungunahan naman ng AFP at Philippine National Police.

Dito sama-samang maglalakad ng kapit-bisig ang mga pulis at mga sundalo na sumisimbolo sa pagkamit ng kalayaan ng mga Pilipino laban sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Muli namang tiniyak ng AFP na sa ngayon ay wala naman silang namo-monitor na anumang banta ng kaguluhan sa mismong araw ng paggunita sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. (JOAN NANO / UNTV News)

MORE PHOTOS: Unexpected air show

The post Mga makabagong military air asset ng AFP, muling ibibida sa ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481