CALOOCAN, Philippines — Hinangaan ng nanalong kompositor ngayong Linggo sa A Song of Praise o ASOP Music Festival na si Wilfredo Gaspar ang mga pahayag ukol sa kanyang obra ng mga huradong sina Rannie Raymundo, Carla Martinez at Doktor Musiko Mon del Rosario.
Pahayag ng composer ng “Ikaw Pala” na si Wilfredo Gaspar, “Ang kanilang comment is ‘very good job’ tapos ang galing nilang ihimay ‘yung kanta… nagpapasalamat ako ng marami sa kanila.”
Maging ang interpreter nito na si Remy Luntayao na mula sa pamilya ng mang-aawit na Luntayao Family Singers ay hanga sa komposisyon ni Wilfredo na “Ikaw Pala”.
“Yung mga lyrics madali lang po kabisaduhin at ‘yun po parang ang sarap po sa pakiramdam. Kapag pinakinggan mo po talaga ‘yung lyrics… parang ikaw talaga ‘yung nagkuwekwento sa mga tao,” ani Remy.
Tinalo nito ang mga awiting “Ako ay Mapalad” ni John Guilaran Jr. na inawit ng Red Letter vocalist na si Chester Elmeda at “Lapit” ni Randy Pusing na inawit naman ni Roger Garcia. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post Power ballad na “Ikaw Pala”, nanalong “Song of the Week” ngayong Linggo sa ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.