MANILA, Philippines — Ngayong Marso na isasagawa ang final testing and sealing (FTS) ng Commission on Elections o COMELEC sa mga vote count machine na gagamitin sa overseas absentee voting (OAV) sa tatlumpung lugar sa labas ng bansa.
Layon ng FTS na matiyak na gagana nang maayos at tama ang mga makina na gagamitin sa halalan.
Sa pagsasagawa ng FTS, magkakaroon ng aktwal na pagboto at maglalagay ng totoong balota sa mga vote count machine.
Sa pamamagitan nito matutukoy ng special board of election inspectors kung tama ang pagbasa ng mga makina sa balota.
Kapag nakapasa ang mga makina sa FTS ay ilalagay na ito sa ballot boxes at seselyuhan, bubuksan lamang ito sa pagsisimula ng overseas absentee voting sa April 09. (UNTV News)
The post Final testing at sealing ng vote counting machines para sa OAV, uumpisahan na ng COMELEC ngayong Marso appeared first on UNTV News.