Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Isang US national, nagpositibo sa Zika virus habang bumibisita sa Pilipinas

$
0
0
FILE PHOTO: Medical worker testing blood samples. (Juan Carlos Ulate/Reuters)

FILE PHOTO: Medical worker testing blood samples. (Juan Carlos Ulate/Reuters)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health o DOH na isang American tourist ang nag-positibo sa Zika virus habang nasa bansa noong Enero.

Apat na linggong nagbakasyon ang turista dito sa Pilipinas.

Ayon DOH, kinakitaan ng mga sintomas gaya ng lagnat, rashes, conjunctivitis at pananakit ng katawan ang pasyente sa huling linggo ng pananatili nito sa bansa.

Wala pang impormasyon ang DOH kung paano nakuha ng biktima ang virus habang nasa Pilipinas.

Gayunpaman, tiniyak ng DOH na walang outbreak ng Zika sa Pilipinas at ito ay masasabing isang islolated case.

Ito na ang ikalawang kaso ng Zika virus na naitala sa bansa.

Ang una ay sa Cebu noong 2012. (UNTV News)

The post Isang US national, nagpositibo sa Zika virus habang bumibisita sa Pilipinas appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481