Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Game 2 ng Best of 3 championship match ng AFP Cavaliers at PNP Responders sa UNTV Cup Season 4, ngayong gabi na

$
0
0
Inaasahan ang isa na namang matinding engkwentro sa muling paghaharap ng PNP Responders at AFP Cavaliers ngayong Game 2 ng UNTV Cup Season 4 Finals. (Anna Mae Ollid / Photoville International)

Inaasahan ang isa na namang matinding engkwentro sa muling paghaharap ng PNP Responders at AFP Cavaliers ngayong Game 2 ng UNTV Cup Season 4 Finals. (Anna Mae Ollid / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Ilang sandali na lamang ay magkakaalaman na kung makukuha na ng PNP Responders ang matagal na nilang pinakahihintay na championship title sa UNTV Cup ang liga ng public servants o mauulit kaya ang nangyari noon season 2 kung saan tinalo sa magkasunod na game 2 at game 3 ng AFP Cavaliers ang Responders sa best of three title play offs.

Tinalo ng Responders ang Cavaliers sa Game 1 sa score na 84 – 80 noong February 28 sa Ynares Sports Arena.

Kung mananalo sa game 2 ang PNP, ito ang unang pagkakataon na makukuha nila ang championship title.

Kung mananalo naman ang AFP, mai-pupwersa nila ang winner-take-all match na itinakda sa March 14 dito pa rin sa Smart-Araneta coliseum.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maghaharap sa finals ng UNTV Cup ang PNP at AFP sa loob ng apat na season.

At ikatlong pagtatangka naman ng AFP sa championship game.

Matatandaang tinalo ng Judiciary Magis ang PNP sa Season 1, at ng AFP Cavaliers sa Season 2 championship match.

Samantala, mas pinalaki naman ang pa premyo na makakamit ng mga team na kasali sa UNTV Cup ngayon Season 4 sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.

Aabot sa kabuuang 8.3 million pesos ang cash prize ng mga team na ibibigay naman nila sa kanilang mga napiling beneficiary.

Ito rin ang unang pagkakataon na bukod sa may ipagkakaloob na premyo ang winning team sa kanilang beneficiaries ay makatatanggap na rin ang mananalong team ng cash prize.

Apat na milyong piso ang makukuhang cash prize ng tatanghaling kampeon, kung saan 3.5 million pesos ang ipagkakaloob ng team sa kanilang napiling beneficiary at kalahating milyong piso naman para sa kanilang koponan.

Magkakamit naman ng 2 million pesos ang runner up, 1.7 million pesos dito ay ibibigay nila para sa napiling beneficiary at 300 thousand pesos para sa team.

Ang MMDA Blackwolves na 3rd placer ay makakakuha ng 1 million pesos.

Eight hundred thousand pesos ay ipangkakaloob nila sa kanilang beneficiaries at 200 thousand pesos para sa kanilang team.

Ang 4th placer na NHA Builders ay magkakamit ng kalahating milyong piso kung saan 400 thousand pesos dito ay ibibigay nila sa kanilang beneficiary na NHA Provident Fund Association Incorporated at ang 100 thousand pesos ay mapupunta sa kanilang koponan.

May tig-isangdaang libong piso naman ang mga beneficiaries na napili ng mga team mula sa 5th hanggang 12th place.

Dalawa ang napiling benificiary ng PNP Responders, ang PNP Sports Development Program at ang Sangguniang Masang Pilipino International Foundation.

Nanatili namang ang AFP Educational Benefit System Office na tumutulong sa pagpapaaral ng mga anak ng mga nasugatan o namatay na sundalo ang benepisyaryo ng AFP Cavaliers.

Bukod dito ay igagawad din mamaya ang special awards tulad ng Best in Rebounds, Best in Blocks, Best in Assist, Scoring Champion at Step-up Player o ang Most Improved Player.

Pipili rin ang UNTV Cup organizers ng UNTV Cup First Five, mula sa mga participating team na nagpamalas ng kanilang galing.

Magkakaroon din ng munting pagtatanghal bago magsimula ang laro ito ay pagbibidahan nina Reynan Dal–Anay, Elha Nympha, Sassa Dagdag, Lyca Gairanod at Daryl Ong.

Inaayayahan rin ang mga Kasangbahay na gamitin ang official hashtag ng UNTV Cup na #UNTVCupSeason4Finals para sa social media gaya ng Tweeter at Facebook. (Thalia Javier / UNTV News)

The post Game 2 ng Best of 3 championship match ng AFP Cavaliers at PNP Responders sa UNTV Cup Season 4, ngayong gabi na appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481