Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Itinuturing na pinakamalaking money laundering activity sa bansa, pinaniniwalaang planado

$
0
0
Ang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa  81-million US dollar money laundering activity. (ROSALIE COZ / UNTV News)

Ang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa 81-million US dollar money laundering activity. (ROSALIE COZ / UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Ipinahayag ng chairman ng Senate Blue Ribbon Comittee na si Senador Teofisto Guingona III na planado ang 81-million US dollar money laundering activity kung saan sangkot ang isang dating bank manager ng Rizal Commercial Banking Corporation na si Maia Deguito.

“This was planned more than a year ago, it could have not been done by one person. It needed the cooperation of the banks, of a remittance company and what is clear is this could not probably not have happened if casinos are under AMLA law,” pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona III.

Samantala, mismong ang mga Bangladesh government official ang humingi ng assistance sa Senado upang tulungan silang mabawi at imbestigahan kung saan napunta at sino ang may kasalanan sa ilegal na paglipat ng salaping ninakaw sa kanila na nagkakahalaga ng 81 million US dollars mula sa account ng Bangladesh Central Bank na inilipat sa Pilipinas ng mga hacker sa Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC, at inilabas sa bansa sa pamamagitan ng mga casino.

“But we would expect to get the complete information about whose those accounts are for and what happened to our money. Certainly, I think everyone knows, that part of it went to casinos and as far as we are concerned, these are our money and we need to get back our $81-M,” ani Bangladesh Ambassador John Gomes.

Subalit, dismayado ang Senado dahil walang nakuhang sagot ang mga mambabatas mula sa mga resource person dahil sa pag-iinvoke ng mga ito sa bank secrecy law partikular na sa RCBC Chief Executive Officer na si Lorenzo Tan.

Samantalang ang dating RCBC Jupiter Makati Branch Manager naman na si Maia Deguito ay iginigiit ang kaniyang karapatan laban sa self-incrimination dahil sa mga kasong isinampa na laban sa kaniya ng Anti-Money Laundering Council.

“I’m invoking my right to self-incrimination,” ani Maia Santos-Deguito, former RCBC Jupiter Makati branch manager.

“I’m sorry your honor, I cannot confirm nor deny this request specific to this transaction,” pahayag naman ni RCBC CEO Lorenzo Tan.

Ito ay sa kabila na fictitious o gawa-gawa lang ang mga account holder ng mga peso at dollar account sa RCBC kung saan idinaan ang ninakaw na salapi.

Subalit, iginiit naman ni Deguito na handa itong sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman sa isang executive session kung saan hindi maire-record ang kaniyang statement,

Binigyang-diin naman ni Lorenzo Tan na hindi na dumadaan sa chief executive officer na tulad niya ang pag-facilitate ng deposit, conversion at withdrawal transaction ng particular na peso at dollar accounts.

Ipinahayag ni Deguito na personal niyang kilala si Lorenzo Tan at ito pa ang nag-recruit sa kaniya sa RCBC subalit tahasan namang itinanggi ito ni Tan.

Sa imbestigasyon ng Senado, napunta ang converted remittance sa bank account ng isang junket operator na si Weikang Xu, at Eastern Hawaii Leisure Company at Bloomberry Hotels, Inc na pawang kabilang sa casino sector sa pamamagitan ng isang remittance company na Philrem.

Sinabi naman ni Philrem President Salud Bautista na si Deguito mismo ang nag-utos sa kaniyang i-deliver ang 600 milyong piso at 18 million dollars kay Weikang Xu subalit itinanggi naman ito ni Deguito.

“We were instructed to remit the funds to the other banks, and to deliver the cash, to the beneficiary.”

Napag-usapan din sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act kung saan dapat nang isama sa sa hurisdiksyon ng batas ang casino sector upang maiwasang maulit ang money laundering sa mga casino.

“Whatever the standards are for reporting, ang importante rito dapat ma-cover ang casinos,” ani Sen. TG Guingona.

Muli namang itutuloy sa Huwebes ang Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng money laundering activity na ito. (ROSALIE COZ / UNTV News)

The post Itinuturing na pinakamalaking money laundering activity sa bansa, pinaniniwalaang planado appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481