CAMARINES SUR, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang motorcycle rider na naaksidente sa kahaban ng Pan-Phil Highway sa Brgy. Del Rosario, Naga City pasado alas onse nitong Martes.
Agad nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang tinamong mga sugat ni Albert Cornelio na tumanggi nang magpahatid sa ospital.
Ayon kay Cornelio, nag-overtake siya habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo sa isa pang nakamotorsiklo ngunit nawalan ng kontrol sa manibela at sumadsad sa kalsada.
Isang motorcycle rider na bumangga sa pampasaherong jeep sa Gonzaga Extension, Brgy. Taculing, Bacolod City ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team alas nueve naman ng gabi.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang paa, gasgas sa kanang tuhod at posibleng bone dislocation sa kaliwang braso ang rider na si Allen Samis, disisyete anyos.
Matapos malapatan ng first aid ay isinugod na ng grupo si Samis sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital. (UNTV News)
The post Motorcycle rider na naaksidente sa Naga City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.