Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Komposisyon ng cabinet members, napag-uusapan na rin ng ilang presidentiables

$
0
0
2016 Election Presidentiables

2016 Election Presidentiables

MANILA, Philippines — May ilang kandidato sa mataas na posisyon ang nag-iisip na ng kanilang cabinet members kapag nanalo sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Senador Grace Poe, may ilang kasalukuyang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III ang nais nitong kunin ngunit ayaw munang pangalanan ang mga ito.

Binanggit naman ng senador ang cabinet members mula sa DOTC, BIR at Agriculture sa mga hindi nya kukunin.

Si Poe ay nag-ikot ngayong araw sa lalawigan ng Cavite.

Paalaala naman ng kampo ni dating Secretary Mar Roxas kay Poe, malinaw sa batas na co-terminus ang mga miyembro ng gabinete sa presidente na nag-appoint sa kanila.

Ibig sabihin, hindi na sila kailangang tanggalin dahil siguradong bababa sila mula sa pwesto pagkatapos ng termino ng presidente.

Si Roxas na nag-ikot sa probinsya ng Pampanga ngayong araw, ay sinabing mas importante ang pagtutok sa pagkakaisa sa matuwid na pamamahalan na mapakikinabangan ng pamilyang Pilipino.

Ang tambalang Duterte at Cayetano, ayaw ring maglagay ng magiging gabinete na pulitiko kundi ang naka-linya mismo sa bawat departamento ng pamahalaan.

Dumalo kahapon sina Duterte at Cayetano sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw at walang sorties ngayong araw.

Wala ring pulitiko na nais ilagay sa kanyang gabinete si Vice President Jejomar Binay.

Anya kanilang kukunin ang mga mayroong sapat na karanasan at kakayahan sa pamumunuang ahensya.

Target din nyang ibalik ang mga dating cabinet at senior government members.

Pahinga muna ngayong araw sa sorties si VP Binay, matapos ang pag-iikot kahapon sa probinsya ng Ilocos.

Wala namang sorties si Senador Miriam Santiago ngayong araw ngunit naglabas ng statement kaugnay sa isyu ng money laundering.

Anya, sakaling palarin siyang maging pangulo ng bansa ay agad nitong sesertipikahang urgent ang panukalang palawigin ang Anti-Money Laundering Law na sasakop na sa mga casino.

(BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Komposisyon ng cabinet members, napag-uusapan na rin ng ilang presidentiables appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481