Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y pagharang sa mga bigas para sa mga magsasaka ng Kidapawan, iniimbestigahan ng Malakanyang

$
0
0
FILE PHOTO: Ang isa sa mga nasugatan sa rally dispersal sa Kidapawan noong nakaraang linggo.  (Cerilo Ebrano / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang isa sa mga nasugatan sa rally dispersal sa Kidapawan noong nakaraang linggo. (Cerilo Ebrano / Photoville International)


MANILA, Philippines —
Kumakalap na ng impormasyon ang Malacañang mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng pagharang sa mga pagkain para sa mga magsasaka ng Kidapawan.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, kumikilos na rin ang pamahalaan tungkol sa ginawang madugong dispersal sa mga magsasakang nagpo-protesta.

May kaugnayan ang hakbang ng Malacañang sa kahilingan ng Commission on Human Rights (CHR) na alisin na ang food blockade sa Kidapawan upang makarating na sa mga magsasaka ang tulong na ipinadala ng ilang pribadong indibiduwal.

Ngunit sa pahayag ni ipinadala ni DSWD Secretary Dinky Soliman, walang nangyayaring pagharang sa naturang lugar at patuloy ang kanilang koordinasyon sa LGUs para sa delivery ng pagkain sa mga apektadong munisipalidad.

“According to feedback from my staff, there is no blockade and they are coordinating with LGUs for delivery of rice and food packs to all affected municipalities as identified by LGU and rallyists,” ani Soliman.

Una nang sinabi ni Coloma na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan na naapektuhan ng El Niño. (Nel Maribojoc / UNTV News)

The post Umano’y pagharang sa mga bigas para sa mga magsasaka ng Kidapawan, iniimbestigahan ng Malakanyang appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481