MANILA, Philippines — Posible na sa lalong madaling panahon ay makuha na ng mga motorista ang kanilang mga plaka.
Plano ng Bureau of Customs (BOC) na i-donate ang mahigit anim na raang libong pirasong abandonadong plaka sa Land Transportation Office (LTO).
Ito’y matapos hindi mabayaran ng supplier ang 40 million pesos na taxes at duties.
Ayon sa BOC, sinulutan nila ang Department of Finance upang humingi ng pahintulot na kanila na lamang ibibigay ang mga plaka sa LTO.
Ayon sa batas, kapag itinuring na abandonado ang isang kargamento ay pagmamay-ari na ito ng gobyerno.
Subalit hindi naman ito maaaring ipa-auction ng BOC dahil mayroong nagmamayari sa mga plaka na nabayaran na sa LTO.
LTO rin ang awtorisadong mag-issue ng mga plaka, posible pa kasing magamit sa katiwalian kung mapupunta ito sa iba.
Kaya minarapat ng BOC na i-turn over na lamang ang mga plaka sa LTO, subalit ito ay kung papayag ang Department of Finance.
Lalabas na libreng makukuha ng LTO ang mga plaka kapag naibigay ito ng BOC.
Kaya’t marami ngayon ang nagtatanong kung saan mapupunta ang perang ibinayad sa plaka ng mga motorista.
Siniguro naman ng LTO na hawak pa nila ang pera at legal din kung matutuloy na ibigay sa kanila ang mga plaka.
Hulyo 2015 nang ipatigil ng Commission on Audit (COA) ang plate deal dahil sa nakitang iregularidad sa paglalaan ng budget.
(MON JOCSON / UNTV News)
The post Mahigit 600,000 nakumpiskang plaka, planong i-donate ng BOC sa LTO appeared first on UNTV News.