Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kandidato, inihayag ang kanilang mga isusulong bilang pangalawang pangulo; Sen. Marcos at Cayetano, nagkaroon ng mainit na diskusyon sa isyu ng kurapsyon

$
0
0
Ang yes or no portion ng VP debates (CNN Philippines)

Ang yes or no portion ng VP debates (CNN Philippines)

MANILA, Philippines — Sa pasimula ng kauna-unahang Vice Presidential debate sa kasaysayan ng bansa inihayag ng mga kandidato ang kanilang depinisyon sa tungkulin ng pangalawang pangulo.

Pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano, “Limampung taon na po, fifty years na po panay na lang Marcos, Cojuangco at Aquino wala na bang iba? Sa pamamahala ng Duterte-Cayetano sa awa ng Dios, ipaglalaban po namin kayo.”

Sabi naman ni Sen. Chiz Escudero, “Ang nais kong dalhing liderato bilang inyong ikalawang pangulo, lideratong walang pinipili ang serbisyo.”

Para naman kay Sen. Gregorio Honasan, “I will work and continue to work for unity peace and prosperity and security.”

Nguni’t nang magsalita na si Senador Bongbong Marcos, naghiyawan ang mga anti-Marcos group na nakapasok sa debate hall.

“Kinakailangan po natin ng mga lider na hindi namumulitika lamang ang kailangan po natin na mga lider ay mga lider na tapat sa kanilang pagsilbi,” ani Sen. Marcos.

Pangako naman ni Rep. Leni Robredo, “Hindi sinosolo ang kapangyarihan lahat na boses papakinggan.”

Sumpa naman ni Sen. Antonio Trillanes IV, “Tututukan ko at lulutasin ang mga problema natin sa peace and order at kasama na ang lumalaganap na iligal na droga.”

Nang mabuksan naman ang isyu ng kurapsyon, idiniin ni Senador Alan Peter Cayetano, si Senador Marcos. Dito na nagkainitan ang dalawa.

“Sabi ni Senator Bongbong, wala daw bahid ang kanilang pamilya, 10 billion dollars ang nanakaw ng panahon nila, 450 billion pesos,” ani Sen. Cayetano.

Buwelta naman ni Sen. Marcos, “Nagtataka naman ako sa tagal naming pagsasama ni Senator Alan, eh ilang taon na kaming magkasama sa partido, ilan taon na kami magkasama sa Senado, wala naman siya binabanggit o inaalala nya tungkol dyan bakit ngayon lang.”

Naniniwala naman si Senador Honasan na dapat idaan sa due process ang mga isyu na isinasangkot sa isang personalidad bagay na tinutulan ni Senador Trillanes na anya’y pahayag ni VP Binay.

“Sa tamang panahon, tamang sitwasyon, tamang korte,” ani Honasan.

“Kasi yan po ang linya ni Vice President Binay palagi,” ani Trillanes.

Pinuna naman ni Senador Cayetano ang di pagdalo ni Marcos sa mga imbestigasyon ng Senado sa kurapsyon.

“Nasaan ka pag corruption ang usapan, di ba wala ka sa hearing?,” ani Cayetano.

Sagot naman ni Marcos, “Hindi ako sasama sa ganyang klaseng pamumulitika na itinataya at ginagamit ang dapat na pantulong sa ating mga kababayan.”

Para naman kay Sen. Trillanes, “Hindi pamumulitika yun, pagmamahal sa bansa yun plus marami kami ni risk.”

Sa yes or no question, lahat ng VP candidate ay nagsabing silang lahat ay di nasangkot sa kurapsyon at habang si Senador Cayetano lang ang pabor na isama sa death penalty ang mga kurakot na opisyal ng pamahalaan.

Kapwa naniniwala naman ang mga vice presidential candidates na sakaling palarin silang makaupo ay di sila magiging spare tire sa pamahalaan.

(BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Mga kandidato, inihayag ang kanilang mga isusulong bilang pangalawang pangulo; Sen. Marcos at Cayetano, nagkaroon ng mainit na diskusyon sa isyu ng kurapsyon appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481