QUEZON CITY, Philippines — Inireklamo ng isang negosyante sa Office of the Ombudsman sina Biñan, Laguna Mayor Marlyn Alonte-Naguiat at Vice Mayor Walfredo Dimaguila Jr.
Nag-ugat ang plunder at administrative complaint sa umano’y maanomalyang pagbili ng lupa noong 2009.
Ayon sa complainant na si Adelaida Yatco ang nasabing lupa ay pagmamay-ari ng pamilya ng alkalde at binili sa napakataas na halaga.
“Ang fair market value ng property ay P30-M lang, eh. Ang binili ng munisipyo ay dalawang parsela ang fair market value po noon ay P20-M lang mahigit biniyaran ng almost P98-M,” ani Adelaida Yatco.
Si Yatco ay ina ni Biñan, Laguna Councilor Francisco Yatco na tatakbong mayor sa lugar at miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC.
Itinanggi nito na politically-motivated ang ginawang pagsasampa ng reklamo sa Ombudsman.
“Ako po 71 (years old) na. Kelan pa ako magpa-file ng kaso eh kung ako di (ako) magising bukas. Eh, wala naman lumalaban sa kanila at natatakot po,” anang matandang Yatco.
Subalit itinanggi naman ni Mayor Alonte ang mga alegasyong overpriced ang naturang lupa na inilaan nila para sa mahihirap na residente ng Biñan.
Ikinalungkot din nito na nagagamit ang naturang proyekto sa pamumulitika.
(GRACE CASIN / UNTV News)
The post Biñan, Laguna mayor at vice mayor, sinampahan ng plunder complaint sa Office of the Ombudsman appeared first on UNTV News.