INDONESIA – Libu-libong residente ang inilikas sa isla ng Sumatra sa Indonesia matapos tuluyang sumabog ang Mt. Sinabung sa Karo District.
Ayon sa mga opisyal, nasa halos 4-libong villagers na ang inilikas na nakatira malapit sa 3-kilometer danger zone ng bulkan.
Umabot na rin sa 50 kilometers ang volcanic ash na ibinubuga ng bulkan.
Namahagi na rin ng face mask ang mga local health centers sa lugar upang maiwasang malanghap ang abo.
Taong 2010 nang huling sumabog ang Mt. Sinabung kung saan umaabot sa labing dalawang libo ang inilikas na nakatira malapit sa bulkan.(UNTV News)