Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lalaking sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa, Apalit, Pampanga, nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Agad na nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa Brgy. Sampaloc, Apalit, Pampanga. (UNTV News)

Agad na nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa Brgy. Sampaloc, Apalit, Pampanga.
(UNTV News)

APALIT, Pampanga — Mabilis na rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa banggaan ng tricycle at kotse sa McArthur Highway, Brgy. Sampaloc, Apalit, Pampanga alas diyes kagabi.

Si Michael Magkasi, 50 taong gulang, ay iniinda ang kanang tuhod at nagtamo ng mga sugat sa dalawang paa.

Kaagad na nilapatan ng lunas ng UNTV Rescue ang mga sugat ni Magkasi.

Ayon sa driver ng kotse na si Mark, papaliko na siya ng biglang bumangga sa likuran ng kanyang kotse ang tricycle ni Michael.

Dinala ang dalawa sa pinakamalapit na police station sa Apalit at doon nag-usap.

Matapos ang pag-uusap at imbestigasyon ay dinala ng grupo si Magkasi sa Jose B. Lingad Hospital.

(JOSHUA ANTONIO/UNTV News)

The post Lalaking sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa, Apalit, Pampanga, nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481